PRICE HIKE AT PANGINGILIN

HABANG nagtatampisaw ang mga tao sa saya na dulot ng mahabang weekend, at habang abala ang mga Pinoy sa pagpaplano at paghahanap ng iba’t ibang paraan para masulit ang bakasyon at maayos na paggunita ng mga tradisyon ng Mahal na Araw ay tila pansamantalang kinalimutan o hindi iniinda ang pagtaas ng presyo ng bilihin – ngayon ay mga produkto ng karne ng baboy. Tinitingnan ng Department of Agriculture (DA) ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga produkto ng karneng baboy sa kabila ng kalimitang pagbagsak ng kakailanganin tuwing Semana…

Read More

SUPORTA SA PAGPAPALAWIG NG IMPRASTRAKTURA NG BANSA

SA GANANG AKIN Joe Zaldarriaga ASAHAN na naman nating muli ang mabagal na daloy ng trapiko sa pangunahing mga kalsada sa susunod na mga araw dahil sa Mahal na Araw, na taun-taong ginugunita ng mga Kristiyano upang magbalik-loob sa Panginoon. Bukod dito, sinasamantala rin ng mga Pilipino ang okasyong ito upang tumungo sa kani-kanilang mga probinsya dahil sa long weekend, samantalang ang iba naman ay nagtutungo sa mga pasyalan upang mag-relax at magtampisaw ngayong pormal na ring nagsimula ang panahon ng tag-init. Naging karaniwan na ang ganitong sitwasyon tuwing buwan…

Read More

KWARESMA

CLICKBAIT Ni JO BARLIZO MAHIGIT dalawang sanlibong taon o milenyo nang ginugunita ang Mahal na Araw o Semana Santa. Ang Mahal na Araw ay ang hulíng linggo ng Kuwaresma at ang linggo bago ang Pasko ng Pagkabuhay. Ginugunita sa linggong ito ang Palaspas, Huwebes Santo, Biyernes Santo, at Sabado de Gloria. Sa mga Kristiyanong Pilipino, ito ay panahon ng paggunita, pagninilay at pagbabalik-loob sa Panginoong Diyos. Ipinaaalala sa atin ang paghihirap, pagpapakasakit at pagkamatay ni Hesus para matubos ang kasalanan ng sangkatauhan. Ang nagawa ni Hesukristo ay walang kahalintulad na…

Read More

LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL NINA MAYOR MAX AT VICE MAYOR BIEN ROXAS TULOY-TULOY SA PANIQUI

TARGET NI KA REX CAYANONG KALIWA’T KANAN ang mga proyekto at programa ni Mayor Max Roxas ng Paniqui, Tarlac. Lagi namang nakasuporta sa kanya ang kanilang masipag na Vice Mayor Bien Roxas. Kamakailan, muling nagbigay ng serbisyong medikal na libreng blood chemistry, x-ray, ECG, ultrasound, anti-covid-19 booster at vaccine ang mobile clinic ng alkalde at bise-alkalde sa pangunguna nina Dr. Raymond Tañedo at Dr. Jolab Daguro at ng mga medical staff ng RHU-II at PGH para sa mga residente ng Brgy. Sinigpit. “Labis ang pasasalamat ni Brgy. Captain Ronald Ordonio sa…

Read More

SEGURIDAD SA MGA DORMITORYO

MAKARAANG sumambulat ang balita hinggil sa pamamaslang sa isang kolehiyala sa loob mismo ng inuupahang dormitoryo sa Dasmariñas City sa lalawigan ng Cavite, usap-usapan sa social media ang seguridad ng mga estudyante. Wala nang buhay nang matagpuan ang 24-anyos na si Leanne Duguesing, isang estudyante ng De La Salle University (DLSU) sa lungsod ng Dasmariñas. Bukod sa 14 na saksak sa katawan, halos wala nang saplot sa katawan ang 24-anyos na biktima sa loob ng silid ng dormitoryo. Sa Metro Manila kung saan matatagpuan ang mahabang talaan ng mga kolehiyo…

Read More

KAKULANGAN NG SUPLAY NG TUBIG TUWING TAG-INIT

MY POINT OF BREW TULAD ng awit ni Gary Valenciano, hindi na tayo natuto. Sumapit na naman ang panahon ng tag-init. Ang ibig sabihin nito ay, tulad ng mga nakaraang taon, magkakaroon na naman ng water interruption sa susunod na mga buwan. Ganito ang naranasan natin, mga ilang taon na ang nakararaan subalit tila walang nagbago. Ang Maynilad Water Services Inc. ay nag-anunsyo na magkakaroon na tayo ng daily water service interruption sa mga nasasakupan ng kanilang serbisyo sa kabuuan ng Metro Manila upang umano’y makatipid sa suplay ng tubig…

Read More

KATIWALIAN SA ISABELA DAPAT BUSISIIN NG SENADO

BISTADOR ni RUDY SIM TILA nabuhayan ng loob ang mamamayan ng lalawigan ng Isabela matapos pansinin ng tanggapan ni Senator Robinhood Padilla ang kahilingan ni dating Angandanan, Isabela Mayor Manuel Siquian na imbestigahan ang umano’y pang-aabuso sa kapangyarihan ni dating Isabela Governor, na ngayon ay Vice Governor Faustino Dy at iba pang provincial officials para sa 3 counts ng plunder na inihain dalawang taon na ang nakalilipas. Mula sa bilyones na nawaldas umano sa kabang yaman ng lalawigan ng nagharing mga opisyales dito sa Isabela, ay hinimok ni Siquian sina…

Read More

25TH ANTIPOLO CITYHOOD ANNIVERSARY CELEBRATION

TARGET NI KA REX CAYANONG INAABANGAN na ng lahat ang gaganaping 25th Antipolo Cityhood Anniversary bukas, Abril 1, 2023 (Sabado). Magsisimula ang aktibidad sa Sumulong Park kung saan bandang 1:00 ng hapon ang assembly time. Aarangkada ang Float Parade mula alas-3:30 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi. “Bilang bahagi ng pagdiriwang ng cityhood anniversary, magkakaroon ng Float Parade ang lungsod na may temang Disney Pixar Movies,” sabi ni City Mayor Jun Ynares. “Magsisimula ito sa Sumulong Park at magtatapos sa Ynares Center. Kasama po sa Float Parade ang 16 barangays, 15…

Read More

WEDER-WEDER NA LANG BA?

PARANG sinat na naging lagnat na dumapo muli ang diskusyon tungkol sa init ng panahon. Bumalik dahil ramdam ang epekto, ngunit biglang mawawala at ipapalit ang bersyon ng tag-ulan. Pana-panahon o nasa tiyempo ng klima ang asta ng ilang mambabatas at mga lider ng pamahalaan sa pagbigay ng solusyon sa problema na dala ng klima, pero walang mailatag na solusyon at magkakatuwang na tugon. Dahil sa epekto ng tag-init sa kondisyon ng mga estudyante at guro, iminungkahi ni Sen. Win Gatchalian na ibalik sa Abril at Mayo ang school break…

Read More