CLICKBAIT ni JO BARLIZO MADUGO ang palitan ng kuro-kuro at opinyon ukol sa Menstrual Leave Bill. Lumalala ang daloy ng dugo dahil naglalabasan na ng kanilang galing ng kaalaman, partikular ang ibang lalaki na hindi naman batid ang dinaranas na sakit ng mga babaeng dinaratnan ng buwanang dalaw. Pero mukhang ang ugat, kaya marami ang nakikisawsaw ay ang galit at inggit ng ibang lalaki sa mga babae. Apektado ang trabaho ng babae kung siya ay may regla at nakararanas ng dysmenorrhea. Nakagagambala ang sobrang pananakit ng puson sa pagiging produktibo…
Read MoreCategory: OPINYON
ROAD RAGE SA COMMONWEALTH AVE., NAKAAMBA KUNG…
DPA ni Bernard Taguinod SINIMULAN na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng motorcycle lane sa Commonwealth Avenue, Quezon City noong Lunes at tambak ulit ang traffic enforcers sa tinaguriang killer highway. Mukhang sinusubukan lang ng MMDA kung epektib na ilagay lang sa isang lane ang mga rider para marahil ipatupad din ito sa pangunahing mga lansangan sa Metro Manila. Ang tanong, hanggang kailan mananatili ang sangkaterbang traffic enforcer sa Commonwealth Avenue para masigurong hindi umalis kanilang designated lane ang mga rider? Hindi lang kasi minsan kundi madalas…
Read MoreCONG. TEVES NAKAHANAP NG KAKAMPI KAY ATTY. PANELO
PUNA ni JOEL AMONGO PINUNA ni dating Presidential Chief Legal Counsel Secretary Atty. Salvador “Sal” Panelo na walang “due process” sa ginagawa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso nang hindi payagan si Negros Oriental 3rd District Representative Arnorlfo “Arnie” Teves na makapagpaliwanag sa pamamagitan ng zoom o virtual conferences. “Ano ba ang due process, it hears before it condemns, nakikinig muna, bago ka hatulan, pero itong ginawa nila kay Cong. Teves, uulitin ko walang kinalaman ho ito kung may kasalanan siya o wala doon sa mga krimen na ipinatong sa kanya,…
Read MoreKARNENG BAKA NAMAN PAGKATAPOS NG SIBUYAS
PANSAMANTALANG ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng karne ng baka mula sa bansang Brazil kung saan laganap na ang nakahahawang Bovine Spongiform Encephalopathy na mas kilala sa tawag na mad cow disease sa mga pastulan. Batay sa mga pag-aaral ng mga dalubhasa, may peligrong dala sa kalusugan ng tao ang mga karne ng baka mula sa nasabing bansa. Sa ilalim ng Memorandum Order no. 23 na nilagdaan ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, pasok din sa mga tinabla ang pagpasok sa Pilipinas ng iba pang produktong mula…
Read MoreNAPERWISYO NG OIL SPILL SA MINDORO DAPAT BAYARAN
BALYADOR ni RONALD BULA IGINIIT ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na mabigyan ng kompensasyon ang mga komunidad na naperwisyo ng oil spill dulot ng paglubog ng MT Princess Empress. Ayon kay Pimentel, alinsunod ito sa itinatakda ng Oil Pollution Compensation Law of 2007 o Republic Act No. 9483. Sabi ni Pimentel, malinaw sa batas na may pananagutan ang may-ari ng mga oil tanker na magdudulot ng polusyon o pinsala at dapat nitong bayaran ang lahat ng maapektuhan. Binanggit ni Pimentel na sa kaso ng MT Princess Empress ay dapat…
Read MoreCOUN. DOK G LUMBAD KABILANG SA 100 MOST POWERFUL WOMEN
TARGET NI KA REX CAYANONG NARARAPAT ipagmalaki ang husay at galing ng kababaihan sa pamumuno. Maraming ganyan sa ating bansa. Mahalaga ang papel ng kababaihan sa lipunan. Isa sa mga halimbawa ng mahuhusay na mga Pinay at lider ay walang iba kundi si Coun. Geleen “Dok G” Lumbad ng Quezon City. “Pinarangalan ang mga natatanging kababaihang lingkod-bayan sa ating lungsod sa ginanap na Gawad Pilipino Awards bilang pagkilala sa kanilang husay at galing sa larangan ng serbisyong publiko,” pahayag ni Dok G, isa sa awardees. Bukod kay Lumbad, kasama rin sa…
Read MoreAYAW LANG MASAPAWAN
BINUTATA ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte ang mungkahi ng Alliance of Concerned Teachers’ (ACT) na kumuha ang Department of Education (DepEd) ng 30,000 teachers kada taon hanggang 2028 para sa tamang laki ng klase ng 35 estudyante. Para mabigyan ng solusyon ang classroom backlog na mahigit 165,000, hinikayat ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Representative France Castro ang pamahalaan na magtakda ng education budget na 6% ng GDP. Ang napala ng mungkahi: ngitngit mula sa kalihim, na tahasang nagdeklara na ito ay hindi makatotohanan…
Read MoreMARAMING POWER TRIPPER SA IMMIGRATION
DPA ni BERNARD TAGUINOD TINGIN ko, ang daming power tripper na immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at kapag natiyempuhan mo ‘yung hindi pa nakapag-almusal at mainit ang ulo, patay kang traveler ka. Sa tanang buhay ko, wala pa akong nakitang immigration officer na ngumiti habang sinusuri ang travel documents. Ang aangas ng mukha na parang nangungursunada lagi. Pasensya na pero ang tingin sa kanila ng maraming Pinoy ay pawang ipinaglihi sa sama ng loob dahil ang susuplado at susuplada. Sabagay, ganoon yata sila sinanay sa trabaho dahil…
Read MoreCOURTESY RESIGNATION WA EPEK VS ILLEGAL DRUGS?
KAALAMAN Ni Mike Rosario TILA walang epekto sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs ang gimik ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjur Abalos, na panawagang courtesy resignation sa mga kernel at heneral ng pambansang pulisya. Sa ating pagkakaalam, kung tumalab ang courtesy resignation sana ay wala nang kilo-kilong shabu na nahuhuli ngayon sa iba’t ibang lugar sa bansa. Kamakailan lamang kaliwa’t kanan ang nangyaring pagkahuli ng kilo-kilong shabu. Nauna nang sinabi ni Abalos na kaya nila ginawa ang panawagan na courtesy resignation sa matataas na…
Read More