ALOK NA TULONG SA PINAS, ‘DI DAPAT PINALALAGPAS

PUNA ni JOEL AMONGO HINDI maikakaila sa lahat na ang ating bansa at ang buong mundo ay nakaranas ng matinding pagsubok mula sa COVID-19 pandemic na kumitil ng milyun-milyong buhay at nagdulot ito ng pagbagsak ng ekonomiya ng halos lahat ng mga bansa, mayaman man o mahirap. At isa tayo sa dumanas at patuloy pa rin na dumaranas ng epekto ng pandemya hanggang sa kasalukuyan. At hanggang hindi pa isinasantabi ng World Health Organization (WHO) ang kategoryang “pandemic” ay nasa kalagayan pa rin tayo nang wala pang tiyak na kaligtasan…

Read More

INGAT SA TAG-INIT

SA nakalipas na mga taon, karaniwang bahagi ng plano ng maraming Pilipino ang paglaboy sa tuwing sasapit ang tag-init – may mga nais dumayo sa malayong probinsya sa hangaring makalanghap ng sariwang hangin, masdan ang nakamamanghang kalikasan at ang pagtatampisaw sa tubigan. Pero tila kakaiba ang panahon ng tag-init ngayong taon. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), higit pa sa inaasahan ang init factor ngayon kumpara sa nakalipas na mga panahon. Sa mga karatig bansa sa Asya, naglalaro na sa 40-50 degrees Celsius ang temperatura, habang…

Read More

MERALCO NAGPATAYO NG BAGONG FIRE SUB-STATION BILANG PAKIKIPAGTULUNGAN SA BFP

SA GANANG AKIN ni JOE ZALDARRIAGA NAPAKAHALAGA ng mga programa, inisyatiba, at mga alituntuning pang-kaligtasan na ipinatutupad ng pamahalaan para sa sambayanan. Sa tulong ng mga miyembro ng pribadong sektor at sa pamamagitan ng mga inisyatiba nitong alinsunod sa mga adhikaing pangkaligtasan ng pamahalaan, lalong nasisiguro ang kaligtasan at kapayapaan sa komunidad. Bilang pinakamalaking distribyutor ng kuryente sa bansa, batid ng Meralco ang kahalagahan ng pakikiisa nito sa pamahalaan partikular na sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagsiguro ng kaligtasan hindi lamang ng mga empleyado nito kundi pati ng…

Read More

PANAHON NA NG TAG-INIT

MY POINT OF BREW ni JERA SISON MAGHANDA na tayo. Sa mga susunod na buwan, mararamdaman na natin ang matinding init ng araw. Tapos na ang maliligayang panahon na medyo malamig sa umaga at ganoon din pagsapit ng gabi. Itabi na natin ang ating mga jacket at sweater, at ilabas na ang ating mga payong at sumbrero. Ayon sa ating Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, nag-umpisa na ang panahon ng tag-init. Nagpaalam na sa ating bansa ang malamig na hanging Amihan at umpisa na ng maalinsangang…

Read More

DEPUTY SPEAKER ROBBIE, BOKAL RANDY MAGKATUWANG SA SERBISYO PUBLIKO!

TARGET NI KA REX CAYANONG HABANG umiikot ang mga araw, lalo pang dumarami ang mga proyekto at programa ni Deputy Speaker at Antipolo Rep. Roberto “Robbie” Puno. Katuwang niya sa pagseserbisyo si Rizal Board Member Randy Puno, anak ng kongresista. Naging matagumpay naman ang medical & dental mission na ginanap sa Blue Mountain Arena Grounds sa Antipolo, Rizal kahapon. “Ang programang ito ay taunang ginaganap kasama ang Chinese General Hospital, bilang paggunita sa kaarawan nina Congresswoman Chiqui at Deputy Speaker Robbie Puno,” sabi ni Bokal Randy. Nagkaroon ng libreng medical…

Read More

HINAY-HINAY SA DESISYON

ANG mungkahi, suhestiyon, panukala, at ibang palagay na maaaring humantong sa magkaibang pananaw ay dapat pag-isipan kung ano ang diwa o kakanyahan at kaugnayan sa napapanahong paksa nang sa gayon ay malinaw na masuri ang kabutihang maibubunga nito. Ang iminumungkahi ni Northern Samar Rep. Raul Daza na ibasura ang licensure board examinations, na pinangangasiwaan ng Professional Regulatory Commission (PRC), dahilan sa patuloy na pagbaba ng passing rate sa mga pagsusulit, ay hindi nagpapakita na anti-poor at anti-student ang PRC board exams. Lahat ng mga estudyante, maykaya o mahirap, ay naghanda…

Read More

KALIGTASAN NI CONG. ARNIE TEVES TINIYAK NG MARCOS ADMIN

TARGET NI KA REX CAYANONG MALAYO na ang nilalakbay ng isyu laban kay Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves. Kung anu-ano ang ibinabato laban sa kanya kahit wala namang basehan. Kinakaladkad siya sa usapin ng pagpaslang kay Gov. Roel Degamo. Aba’y nasa labas ng bansa ngayon si Teves. Nangangamba nga ito sa kanyang kaligtasan. Nagpapasaklolo na rin siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa sobra na raw ang pagdidiin sa kanya ng ilang taga-gobyerno. Sa kanyang social media post, isiniwalat ni Teves na may natanggap siyang impormasyon na ginagamit daw ang…

Read More

LAMAN NG ALLWIN CONTAINERS 1140-1141 NANGANGANIB NA HINDI MAIPAMIGAY?

RAPIDO NI TULFO KASALUKUYANG ipinamamahagi na ng Bureau Of Customs ang mga laman ng natitirang Allwin containers 1140-1141 na nailabas sa pamamagitan ng auction na ginanap, ilang linggo na ang nakararaan. Ang nanalo sa bidding ay isang kumpanya na ayon sa aking source ay konektado rin di-umano sa grupo nina Robert Uy ng Association of Bidders at the Bureau of Customs (ABBC). Si Robert Uy ng Agbay Enterprises ay ang nanalo rin sa bidding ng 16 Allwin Containers na kasama sa 18 containers na inabandona sa ahensiya ng Allwin. Naisulat…

Read More

WAGE HIKE NAMAN

PATULOY na mangangalampag ang mga grupo ng mga manggagawa habang hindi natutugunan ng gobyerno ang kanilang hinihirit na dagdag-sahod. Humihingi ang mga manggagawa ng minimum wage hike na P530 sa lahat ng rehiyon sa bansa. Maiipit ang gobyerno sa pagitan ng mga manggagawa at employer at kapitalista. Balanseng pagtimbang sa rason at posisyon ng magkabilang panig ang dapat pairalin ng gobyerno sa pagresolba sa usapin na maaaring humantong sa pansamantalang pagkaparalisa o tigil-trabaho sa hanay ng mga manggagawa o ang bantang pagsasara at pagbabawas ng empleyado ng mga namumuhunan. Hindi…

Read More