KAMAG-ANAK INCORPORATED SA BI

BISTADOR Ni RUDY SIM HINDI masama na tumulong sa ating mga kamag-anak ngunit kailangan din minsan ng limitasyon lalo’t sa ilang mga kawani ng gobyerno kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang abusuhin ang kanilang kapangyarihan para sa kanilang pansariling kapakanan. Nabansagan na kamag-anak incorporated ang mga magkakapamilya na nasa puwesto sa gobyerno, family enterprise ika nga o negosyo ang tawag pa ng ilan sa ganitong gawain. Mula nepotismo, padrino system at political connections ang ilan sa mga dahilan upang lumawig ang kontrol ng mga makapangyarihang pamilya sa ­gobyerno. Ayon sa…

Read More

PAGPAPATULOY NG LIBRENG SAKAY PROGRAM, MALAKING TULONG SA MGA KOMYUTER

SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA NANG pumasok sa ating buhay ang pandemyang COVID-19, isa sa mga industriyang ­lubhang naapektuhan nito ay ang industriya ng transportasyon. Pansamantalang huminto ang operasyon ng lahat nang magpatupad ng ­enhanced community quarantine (ECQ). Naging matinding hamon para sa pamahalaan ang pagpapatuloy ng operasyon ng mga ­pampublikong transportasyon sa gitna ng krisis pangkalusugan. Upang makontrol ang pagkalat ng virus, maging sa mga pampublikong sasakyan ay kinailangang ipatupad ang social distancing kaya’t limitado lamang ang kapasidad ng mga ito. Halimbawa, kung nasa 50 katao ang maaaring…

Read More

MAHIGPIT NA PAGBABANTAY SA SMUGGLING NG SIBUYAS

MY POINT OF BREW Ni JERA SISON HETO na nga tayo sa sitwasyon na ginagawa na nating katatawanan ang nakakagulat na presyo sa sibuyas. Anak ng tokwa (na masarap isama ang sibuyas sa putaheng ‘tokwa’t baboy), umabot hanggang P880 kada kilo ng sibuyas noong bisperas ng Pasko at Bagong Taon. Pati ang mga nagtitinda sa palengke at supermarket ay wala kang makitang sibuyas! Nagmistulang katatawanan sa socmed na ang sibuyas ngayon ay simbolo ng pagiging mayaman sa lipunan. May ginawang hikaw o bato ng singsing ang sibuyas upang iparating ang…

Read More

MGA BIKTIMA NG SUNOG INAYUDAHAN NI CONG. ARJO ATAYDE

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG NAKALULUNGKOT isipin na hindi maganda ang pasok ng bagong taon ng ilan nating mga kababayan. Ang iba ay namatayan. Ang iba naman ay nawalan ng tahanan dahil sa iba’t ibang sakuna. May mga natabunan ang bahay habang may mga nasunugan sa ilang lugar sa bansa. Sa ilang lugar naman sa Lungsod ng Quezon, may mga nasunugan din. Ayaw natin ng mga ganitong pangyayari. Aba’y mas lalong ayaw ni Cong. Arjo Atayde na mabiktima ng sunog o ano pa mang sakuna ang kanyang constituents.…

Read More

GADGETS FOR RENT SA BI JAIL?

BISTADOR Ni RUDY SIM NEGOSYO, ito ang matagal nang maruming kalakaran sa iba’t ibang piitan sa anomang law enforcement agencies, sa tiwaling mga tauhan ng mga ito, upang ang ilang mga ilegal na kontrabando na mahigpit na ipinagbabawal ay malayang makapasok o ‘di kaya ay ginagawang “for rent” na ipinaaarkila ng lingguhan o buwanang bayad sa persons deprived of liberty upang maipagpatuloy ang kanilang ilegal na gawain. Minsan nang napatunayan ito nang planuhin sa loob ng New Bilibid Prison ang pagpatay sa beteranong brodkaster at ­kolumnistang si Percival Mabasa o…

Read More

MGA MANLOLOKO NG PINOY SA UAE AY PINOY RIN

RAPIDO Ni PATRICK TULFO NAGLIPANA pala sa United Arab Emirates ang mga manloloko o scammer sa mga OFW natin doon. Pero ang nakalulungkot, mismong mga kababayan din natin ang mga scammer. Ayon sa isang kababayan nating OFW sa Dubai, UAE, na itago na lang natin sa pangalang “SAM”, naglipana na raw sa naturang bansa ang mga manloloko o scammers na Pinoy pa man din at Pinoy rin ang binibiktima. Si Sam ay isa sa daan-daang overseas Filipino workers na ­nabiktima ng cargo consolidators na nag-abandona ng ipinadala nilang balikbayan boxes…

Read More

ARUGANG ATAS NG BATAS

SA oras na kailangan ang kalinga, sa panahong malapit nang tawirin ang dapithapon, ipagkakait pa ba sa matatanda ang aruga at pangangalaga na dapat ibigay at ipadama sa kanila ng kanilang pamilya? Tatanda ka rin. Ito ang birong madalas ipukol sa mga kabataan na hindi batid kung ano ang kinakaharap at saloobin ng matanda. Kaya dapat maintindihan ng kabataan ang kalagayan ng nasa huling biyahe na ng buhay, hindi ‘yung kung kailan sumampa na rin sila sa estado ng mga senior ay saka mauunawaan ang nakapaloob na emosyon na hatid…

Read More

PURO LANG TAYO SIMULA

DPA Ni BERNARD TAGUINOD HINDI na ako magtataka na mabagal ang usad ng ating pag-unlad, kung umuunlad man tayo……dahil puro tayo simula tuwing anim na taon kaya walang natatapos at walang nakakamit na anomang mag-aangat sana sa buhay nating mga Pilipino. Tuwing anim na taon, nagpapalit tayo ng presidente dahil ‘eto ang isinasaad sa saligang batas at ang mahahalal na pangulo na may kanya-kanyang programa na gustong ipatupad habang nasa poder sila. Wala pang pangulo ng bansa mula nang magkaisip ako, ang nagpatuloy sa programa ng kanyang pinalitang administrasyon kaya…

Read More

KUDETA NA NAMAN?

PUNA Ni JOEL AMONGO KAPUNA-PUNA sa ating pag-iikot ang mainit na usap-usapan ngayon sa iba’t ibang sulok ng National Capital Region (NCR), ang lumabas na isyu sa kudeta. Pangunahing iniugnay sa isyu ng kudeta ay ang pagpapalit ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula kay Gen. Andres Centino ­patungo kay Lt. General Bartolome ­Bacarro. Si Gen. Bacarro bilang chief of staff ng AFP ay inalis sa pwesto, muling ibinalik at ipinalit si Gen. Centino. Si Bacarro ay ipinanganak noong Setyembre 18, 1966, ang kanyang edad ay 56…

Read More