PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA panahon na patuloy ang hamon sa sektor ng kalusugan sa bansa, mahalaga ang bawat hakbang na magpapalakas sa pundasyon ng ating medical education at serbisyong pampubliko. Ang kamakailang groundbreaking ng College of Allied Health Sciences Building ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, ay hindi lamang simpleng seremonya—ito ay malinaw na mensahe ng pamumuhunan sa kinabukasan ng healthcare sa lungsod. Ang limang-palapag na gusali, na itatayo mula…
Read MoreCategory: OPINYON
MGA NASA LIKOD NG ILEGAL NA ONLINE SABONG PINANGALANAN
RAPIDO ni PATRICK TULFO SINABON ni Sen. Raffy Tulfo ang Philippine National Police, National Bureau of Investigation at Cybercrime Investigation and Coordinating Center sa pagdinig ng Senado hinggil sa patuloy na pamamayagpag ng illegal na online sabong. Nakapagtataka na hindi alam ng mga nabanggit na ahensiya partikular na ang PNP at NBI, kung sino ang mga nasa likod ng patuloy na pamamayagpag ng online sabong nang tanungin sila ng senador. Kaya pinangalanan na ni Sen. Raffy ang mga ito. Hawak daw ng isang “Pineda” ang online sabong operation sa Region…
Read MoreISKO NAGPASALAMAT KAY PBBM SA KONSTRUKSYON NG 1 GUSALI NG PLM
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA KAMAKAILAN ay pinuna ng beteranong abogado na si Lorna Patajo-Kapunan ang paraan ng paghawak ng Office of the Ombudsman at Department of Justice (DOJ) sa kasong malversation ng pondo laban kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., at tinawag itong “labis na pagmamadali” at malinaw na paglabag sa karapatan sa due process. Ayon kay Kapunan, kilalang tagapagtanggol ng karapatang pantao at host ng programang Laban Para Sa Karapatan, “Ipinapakita ng paraan ng Ombudsman at DOJ ang nakakabahalang trend ng pagbaluktot sa batas upang umayon…
Read MoreSOTTO, PING MAGKASANGGA SA IMPEACHMENT VS SARA?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO HINUHULAAN na ngayon pa lang ng ilang nagmamasid ang ‘guilty verdict’ sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sakaling umabot ito sa Senado. Tingin nila, tagilid ang laban sa tandem nina Senate President Tito Sotto at Senate Pro Tempore Ping Lacson. E kasi ba naman, sila ang tinatawag ngayon na ‘bastonero ng Palasyo’. Hindi nga raw kasi disimulado ang galawan ng dalawang senador lalo nang kuwestiyunin ni Sotto ang Korte Suprema sa desisyong ideklarang unconstitutional ang naunang impeachment complaint laban kay Sara. Dahil sa…
Read MoreTSINATORS
CLICKBAIT ni JO BARLIZO GALIT na galít ang ilang senador. Sino nga ba naman ang hindi iinit ang ulo kung tatawagin kang isang “Tsinador”? Sa panahon ngayon, ang bansag na iyan ay hindi simpleng panlalait. Isa itong mabigat na akusasyon na tila nagsasabing ang iyong paninindigan ay hindi na para sa sariling bayan kundi para sa interes ng ibang bansa. Pero saan nga ba nanggagaling ang bansag na ito? Hindi na kailangang pangalanan ang mga pinatutungkulan ng bansag na Tsinador dahil halos araw-araw ay laman sila ng usapan sa social…
Read MoreWALANG DAPAT IKAHIYA SA PAGHAHANAP NG TRABAHO
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN HUMINGI ng trabaho si Tuesday Vargas sa paraang diretso at malinaw. Sa isang Facebook post, kinausap niya ang mga manunulat, producer, at direktor. Sinabi niyang handa siyang tumanggap ng proyekto at magtrabahong muli. Walang drama ang tono. Walang palusot. Isang simpleng pahayag ng pangangailangan. Doon nagsimulang mag-iba ang usapan. May ilan na tila hindi komportable sa ginawa niya. Para bang ang paghingi ng trabaho, kapag ginawa sa harap ng lahat, ay may kasamang kahihiyan. Para bang kapag artista ka na, bawal ka nang aminin…
Read More24/7 HEALTH CLINIC SA BUONG BANSA DAPAT MAIPATUPAD
PUNA ni JOEL O. AMONGO NAIS ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na magkaroon ng 24/7 health clinic sa bawat barangay para makatulong at hindi na dumagsa ang mga pasyente sa mga pampublikong pagamutan, dahil agad na malalapatan ng lunas ang mga karamdaman sa mismong komunidad. Ayon sa Senador, napapanahon nang bigyang-pansin ng Kongreso ang kanyang inihain na Senate Bill No. 421 o ang Health Centers in All Barangays Act, na naglalayong magpatayo ng kumpleto at maayos na primary health care centers sa lahat ng mga barangay sa bansa…
Read MoreANG KAPAL NG MUKHA SA KAPITOLYO
BISTADOR ni RUDY SIM SA mundong ito, may mga taong makakapal ang mukha, at mayroon namang mga taong next level ang kakapalan. Medyo beterano na din tayo sa mga galawan sa Pilipinas, at sanay na ako sa mga palusot ng mga politiko. Pero ang nangyayari ngayon sa Albay? Ibang klase itong “legal acrobatics” na ito. Isipin ninyo: Mayroon nang hatol na dismissal ang Ombudsman noong 2024 laban kay Governor Noel Rosal. Hindi suspensyon, hindi reprimand, kundi sibak sa pwesto. Pero heto siya, nakaupo pa rin bilang gobernador, na tila ba…
Read MorePROTEKSYON AT SUPORTA SA MGA GURO, BATAS NA DAPAT PAGTUUNAN NG PANSIN – FRESNEDI
TARGET ni KA REX CAYANONG MATAGAL nang kinikilala ang mga guro bilang haligi ng edukasyon. Ngunit sa reyalidad ng silid-aralan, sila ay madalas na kulang sa proteksyon at malinaw na gabay sa usapin ng disiplina at classroom management. Kaya mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga panukalang batas na naglalayong palakasin ang kanilang seguridad at awtoridad sa loob ng paaralan. Ang pagsusulong ng House Bill No. 508 na inisponsor ni Cong. Jimmy Fresnedi ay naglalayong maglatag ng malinaw na mekanismo ng suporta at proteksyon para sa public school teachers. Sa panahon…
Read More