P11.35M BINUNOT NI VP AT ASAWA PARA IBIGAY SA DENTISTANG BUSINESS PARTNER SA CALE88

TAMBULI ni JESSE RUIZ HINDI na lamang simpleng isyu ng transparency ang lumilitaw ngayon sa mga pagdinig ng Senate Impeachment court kundi isang nakababahalang larawan ng posibleng pang-aabuso sa tiwala ng publiko. Sa pinakahuling rebelasyon ng beteranong forensic financial analyst na si Atty. Alexander Cabrera—ang pag-agos ng mahigit P11.35 milyon mula sa bank account nina Vice President Sara Duterte at Atty. Manases “Mans” Carpio patungo sa kanilang family dentist at business partner na si Dr. Lourdes Libosada—ay patunay na ang usapin ng hindi idineklara o hindi mapatunayang yaman ay nangangailangan…

Read More

BOC CHIEF, MAHIGPIT

RAPIDO ni PATRICK TULFO MAINGAY ang pangalan ngayon ni Bureau of Customs Commissioner Ariel Nepomuceno dahil sa mahigpit umanong sistema ngayon sa ahensya. Ayon sa mga balita, mahigpit daw ang pagpapatupad ng “No-take” policy ni Comm. Nepo, kaya takot din ang mga nasa ibaba dahil siguradong sipa ang aabutin nila sakaling mahuli sila. May narinig nga akong balita na isa sa nasipa ng commissioner ang dating deputy commissioner na pinagkakitaan umano ang mga abandonadong balikbayan box na dahilan ng kaliwa’t kanang problema ng ahensya. Wala namang kumpirmasyon ang balitang ‘yan,…

Read More

MAY TAMA KA, SENATOR ERWIN!

ON THE LEVEL Ni JUNEX DORONIO MAY tama ka, Senator Erwin Tulfo! Sa panahong nagbabantang dumating ang tinatawag na Super El Niño, napapanahon at makatarungan ang iyong babala sa mga kumpanya ng kuryente: huwag samantalahin ang matinding init ng panahon upang magpatupad ng walang habas na pagtaas ng singil habang lalong naghihirap ang mga pamilyang Pilipino. Hindi biro ang problemang kinahaharap ng ordinaryong mamamayan. Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan, tila wala nang katapusan ang paghihigpit ng sinturon ng mga manggagawang…

Read More

MGA ALKALDE AT MUSLIM COMMUNITY LEADERS SA LAGUNA, NAGPAHAYAG NG SUPORTA KAY GOV. SOL ARAGONES

TARGET ni KA REX CAYANONG “HINDING-HINDI ako magnanakaw sa kaban ng lalawigan!” – Gob. Sol. Diretsahang nanindigan sa harap ng mga alkalde. Aba’y nagkaisa ang mga alkalde sa Laguna sa pagpapahayag ng suporta kay Governor Sol Aragones sa gitna ng mga isyung kinahaharap ng kanyang administrasyon. Sa pagtitipon sa Provincial Capitol sa Santa Cruz nitong Oktubre 12, buong tapang na iginiit ni Aragones na hindi niya ninakaw at hinding-hindi niya nanakawin ang pera ng lalawigan. Sa harap ng mga lokal na pinuno, mariing ipinahayag ng gobernadora ang kanyang paninindigan tungkol…

Read More

PASSPORT ISSUE NI GIBO ‘DI PA TAPOS?

PUNA ni JOEL O. AMONGO NOONG Hulyo 2025, naging kontrobersiya ang Maltese citizenship ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. Sumagot ang Department of National Defense. Ayon sa DND, isinuko at ni-renounce ni Teodoro ang kanyang Maltese passport bago siya naghain ng kandidatura para sa 2022 elections. Sinabi rin nitong na-disclose ang passport sa Bureau of Immigration at Comelec bago ang halalan, at sa Commission on Appointments bago ang kanyang confirmation bilang Defense Secretary. Si Teodoro naman ay nagsabing smear campaign ang pagbuhay sa kanyang lumang passport issue at iginiit…

Read More

187 BARIL ISINUKO SA LOOB NG 24-ORAS SA PRO3

Kurdapyo ni TOTO NABAJA GUMAWA ng kasaysayan itong si Police Regional Office 3 (PRO3) Director PBGen. Jess B. Mendez sa Central Luzon. Mga Ka-Totong Kurdapyo at Kurdapya, sa loob lamang kasi ng bente kwatro oras ay nakapag-account ito ng 187 baril. Mismo! Oh ‘di ba? Kasing bilis ng kidlat kumilos itong mga tauhan ni PBGen. Mendez para ipatupad ang programang Accounting and Disposition of Firearms with Expired Registration (ADFER). Ang kampanya ay alinsunod sa PNP Focused Agenda ni PNP chief, Gen. Melencio C. Nartatez Jr., na pigilan ang paglaganap ng…

Read More

NEGATIVE 11: Hudyat ng Babala sa Administrasyong Marcos

At Your Service ni KA FRANCIS ANG pinakahuling resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na nagbigay kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng negative 11 net satisfaction rating ay hindi dapat basta ipagwalang-bahala. Sa survey na isinagawa noong Setyembre 21 hanggang 27, 2026, nasa 35 porsiyento lamang ng mga Pilipinong nasa hustong gulang ang nasisiyahan sa kanyang pagganap bilang pangulo, samantalang 46 porsiyento ang hindi nasisiyahan at 20 porsiyento ang hindi makapagpasya. Ang resulta ay malinaw na babala na kailangang pagtuunan ng pansin ng Malacañang. Hindi ito simpleng numero…

Read More

HALOS P600K KINASKAS PARA SA NIKE SHOES

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HABANG umuusad ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte, tila hindi nauubusan ng bagong usapin na kailangang sagutin ng Bise Presidente. Sa halip na tuluyang luminaw ang mga alegasyon, lalo pang nadaragdagan ang mga tanong na dapat bigyan ng malinaw at makatwirang paliwanag. Pinakahuling umagaw ng pansin ang mga rekord ng credit card transactions na inilahad ni Atty. Alexander Cabrera, isang forensic financial analyst, sa impeachment court ng Senado. Ayon sa kanyang pagsusuri sa mga financial document, gumastos umano sina Sara at kanyang asawang…

Read More

Maynila ngayon: ‘Di lang kabisera ng Pinas, kabisera rin ng pagbabago

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA HINDI lang sentro ng kasaysayan, pulitika at negosyo ang Maynila. Ngayon, malinaw na rin sa numero: trilyon-peso economy na ang kabisera ng bansa. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo sa P1.06 trilyon ang Gross Domestic Product (GDP) ng Maynila noong 2025—patunay na nananatiling isa sa pinakamalalakas na makina ng ekonomiya sa buong bansa. Pangatlo ang Maynila sa lahat ng lungsod sa Pilipinas, kasunod ng Quezon City at Makati. At hindi maliit na bahagi ang ambag nito sa buong National Capital Region. Humigit-kumulang 14.6…

Read More