MAG-INANG MAHILIG ‘MAGTANIM’

CLICKBAIT ni JO BARLIZO KUNG ano ang puno, siya rin ang bunga. ‘Yan daw ang ipinahihiwatig sa sitwasyon ngayon ng mag-inang Senator Loren Legarda at Batangas Representative Leandro Leviste, ayon sa netizens. Ang isa anila ay mahilig magtanim ng puno, habang ang isa naman ay tila ebidensya ang itinatanim. Mukhang personalan na at bumaba sa lebel ng malisyosong pag-atake ang hidwaan ng mag-inang ito kay Executive Secretary Ralph Recto. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na matagal nang magkatunggali ang magkabilang kampo sa probinsya ng Batangas. Nauna nang binanatan…

Read More

NO. 1 PA RIN SA SENATORIAL SURVEY ANG WALANG MALETA

TARGET ni KA REX CAYANONG MULING nanguna si Senador Robin Padilla sa mga survey para sa posibleng halalan sa Senado sa 2028. Sa resulta ng OCTA Research at Pulse Asia, nananatili siyang isa sa pinakapinipiling kandidato ng mga botante. Ipinakikita lamang nito na marami pa ring Pilipino ang nagtitiwala sa kanyang serbisyo at paninindigan. Hindi maikakaila na nananatiling malapit si Padilla sa karaniwang mamamayan. Sa kabila ng mga batikos, patuloy niyang isinusulong ang mga adbokasiyang pinaniniwalaan niya. Marami ang nakakikita sa kanya bilang lider na hindi natatakot magsalita para sa…

Read More

Aklatan pamana ni Isko sa Batang Maynila; At kita-kits sa Manila Zoo!

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA HINDI kailanman naluluma ang halaga ng isang aklat. Sa kabila ng mabilis na pag-usbong ng teknolohiya at digital na mundo, nananatiling ang pagbabasa ang isa sa pinakamabisang susi sa kaalaman. Kaya napakahalaga kapag may isang pamahalaang lokal na patuloy na namumuhunan sa mga aklatan para sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon. Ito ang direksiyong tinatahak ngayon ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa ilalim ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Hindi lamang inayos at pinaganda ang Manila City Library upang maging mas moderno, mas komportable,…

Read More

PERANG NAWALA DAHIL SA MAANOMALYANG TAWAG O OTP, IPINARE-REFUND NG BSP!

RAPIDO ni PATRICK TULFO MARAMI nang reklamo ang aming natanggap mula sa mga depositor ng banko na nawalan ng pera matapos na may tumawag sa kanila at ibigay ang kanilang OTP. Karaniwang biktima ng sindikato ng online fraud na ito ay mga senior citizen na hindi alam ang nasabing modus. Nasa mahigit 500 na kaso na raw ang naisampa ng PNP sa BSP kaugnay sa mga nawalan ng pera dahil sa mga ilegal na transaksyon. Kamakailan lamang ay lumapit sa aming tanggapan ang isang senior citizen na nawalan umano ng…

Read More

ROAD TO LIFE

HOPE ni Guiller Valencia TANUNGIN natin ang ating sarili, ako ba ay nakatitiyak that the path where I am walking leads to life? Bawat nilalang sa isip nila ay tama ang tinatahak nila sa buhay na ito; buhay ispiritwal, pinansyal o propesyon. Bawat tao, iniisip nila na his way is right because it feels and seems right. But the word of God warns us that such thinking leads to death. Sabi nga sa Proverbs 16:25, “There is a WAY that appears to be right, but in the end, it leads…

Read More

SONA 2026: Mga Pangako, Tanong at Pananagutan

PUNA ni JOEL O. AMONGO MULING naging sentro ng pambansang usapin ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Hulyo 27, 2026. Tulad ng inaasahan, inilatag ng Pangulo ang mga plano, programa, at direksyon ng kanyang administrasyon para sa nalalabing bahagi ng kanyang termino. Gayunman, sa halip na purihin ang nilalaman ng talumpati, may mga political analyst na nagpahayag ng pagdududa sa mga bagong pangakong inilatag ng Pangulo. Isa sa mga nagsalita ay si Prof. Anna Malindog-Uy, na nagsabing “misleading” umano ang naging…

Read More

RESET BUTTON O TRAP?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SINO ba naman ang ayaw ng kapayapaan? Sa buhay at sa pulitika, mas masarap ang walang kaaway. Kaya naman nang ihayag ng Palasyo na nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na i-“reset” ang relasyon ng Pilipinas at China matapos makipagpulong kay Chinese Ambassador Jing Quan nitong Hulyo 23, marami ang napabigkas ng: “Sana nga.” Pero teka lang. Bago tayo magdiwang at mag-ipon ng confetti para sa panibagong “Friendship Goals,” magpalamig muna tayo ng ulo. Sa geopolitics kasi, ang pindutin ang reset button ay hindi kasing…

Read More

KAPAG ANG HUSTISYA AY NAUWI SA CLOUT

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MAY mga balitang hindi dapat ginagawang palabas. Para sa akin, isa na rito ang sinapit ni Rene Baterbonia. Isang batang atleta ang namatay sa isang trahedya. Isang pamilya ang nagluluksa. Isang komunidad ang naghahanap ng sagot. Pero habang tumatagal, parang may ibang kuwento nang nabubuo. Hindi na lang tungkol sa paghahanap ng hustisya. Unti-unti na rin itong naging content. Nauunawaan ko ang galit ng publiko. Hanggang ngayon ay marami pa ring gustong malaman ang buong nangyari. Patuloy rin ang imbestigasyon upang matukoy kung may…

Read More

DIGITAL NA PANGARAP, SABLAY SA REALIDAD

On the Level Ni JUNEX DORONIO MALAKI ang pangarap ng administrasyong Marcos Jr.—gawing AI hub ang Pilipinas sa ilalim ng Pax Silica. Astig pakinggan. High-tech. Pang-future. May pangakong trabaho, asenso at bagong sigla sa ekonomiya. Sa plano, itatayo ang dambuhalang complex sa New Clark City. Libo-libong ektarya, puno ng artificial intelligence at modernong industriya. Parang jackpot para sa bansa na gustong makahabol sa global na labanan sa teknolohiya. Pero teka lang—kaya ba natin? Dito na pumapasok ang pamilyar na problema: Hindi sa plano nagkakatalo, kundi sa execution. Oo, may pangakong…

Read More