Ni ANN ENCARNACION MAKUHA ang Top 2 spot at natitirang twice-to-beat advantage ang misyon ng Barangay Ginebra sa ongoing PBA Commissioner’s Cup. Nakatakdang sagupain ng Ginebra, may 7-2 panalo-talo, ang nanganganib mapatalsik na NLEX (3-7) sa tampok na laro sa 5:45 ng hapon ngayon (Biyernes) sa PhilSports Arena. Bago ito, maghaharap sa alas-3 ng hapon ang parehong naghahabol mapabilang sa Magic 8 na Blackwater (3-8) at Rain Or Shine (4-6). Kasalukuyang pangatlo sa standing ang Gin Kings at kung magwawagi kontra Road Warriors ay tatabla sa pumapangalawang Magnolia Hotshots (8-2).…
Read MoreCategory: SPORTS
EMBIID-LESS SIXERS NALO SA NETS
Ni VT ROMANO WALANG Joel Embiid-Ben Simmons face-off sa pagbabalik ng huli sa Philadelphia. Pero ang homecoming ni Simmons ay nasira bunga ng 115-106 pagkatalo ng Brooklyn Nets sa Sixers, Martes ng gabi (Miyerkoles sa Manila). Nagtala si Tobias Harris ng 24 points upang tulungan ang Sixers habang wala sina Embiid at James Harden. Hindi naman nagpaapekto si Simmons sa pag-boo ng home crowd at ginawa ang trabaho niya sa Nets nang kumamada ng 11 points, 11 assists at seven rebounds. Nagdagdag si Kyrie Irving ng 23 points at si…
Read MoreCELTICS PINIGIL NG BULLS
KINALSUHAN ng host Chicago Bulls ang nine-game win streak ng Boston Celtics via 121-107 win, Lunes ng gabi (Martes sa Manila). Nagsanib-pwersa sina DeMar DeRozan, may 28 points at Zach LaVine, 22 points habang si Patrick Williams may season-high 17 points para sa Bulls, na pinagmukhang magaan ang laro laban sa koponang may NBA’s best record. Umabante ng 13 sa halftime, pinalobo sa 21 sa third quarter at tinuloy-tuloy hanggang dulo upang maibulsa ang W, matapos ang apat sunod kabiguan at ikalima sa anim na laro. Si DeRozan, umiskor ng…
Read MoreDASAL PARA KAY DWIGHT RAMOS
MARAMING netizens ang nagpaabot ng well wishes at prayers para sa agarang paggaling ni Gilas Pilipinas mainstay Dwight Ramos. Siya ay lumabas nang naka-wheelchair makaraang mapilipit ang kanang bukong-bukong matapos mag-layup sa huling bahagi ng game ng kanyang team Levanga Hokkaido kontra Kyoto Hannaryz, Linggo sa Yotsuba Arena Tokachi, Japan. Bago na-rule out sa game ay nakapagtala si Ramos ng 11 points, six rebounds at four assists sa 84-99 loss sa Kyoto. Isa si Ramos sa key players ng Gilas at inaasahan ng team sa sixth window ng FIBA World…
Read More2-GAME ADVANTAGE TARGET NG DRAGONS
Ni ANN ENCARNACION TARGET ng nangunguna ngayon sa PBA Commissioner’s Cup na Bay Area Dragons na makuha ang una sa top 2 spots na may two-game advantage sa quarterfinal round. At magagawa ito ng Bay Area kung tatalunin nila ang TNT Tropang Giga ngayon (Miyerkoles) alas-3 ng hapon sa Araneta Coliseum. Naagaw ng Dragons (9-2 win-loss) ang liderato mula sa Magnolia sa kanilang 95-89 victory kontra Hotshots (8-2) nitong weekend. Dumagdag naman sa problema ng TNT ang pagka-injure ng kanilang import na si Cameron Oliver, nakumpirma sa MRI na may…
Read MoreGILAS ANGAT SA FIBA RANKINGS
UMAKYAT ang Gilas Pilipinas sa pinakabagong FIBA World rankings matapos ang matagumpay na kampanya sa fifth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers. Mula sa ika-41 ay bahagyang umangat ang nationals sa pang-40 sa FIBA rankings. Matatandaang tinalo ng Gilas ang Jordan (74-66) at Saudi Arabia (76-63) para walisin ang kanilang road games sa fifth window. At sa 5-3 panalo-talong record sa Group E, ang Gilas ay itinuturing ngayong ikawalo sa pinakamalakas na koponan sa Asya. Samantala, Pilipinas ang magho-host sa sixth window ng Asian qualifiers sa Pebrero 2023,…
Read MorePH MEN’S HANDBALL BRONZE SA SEA C’SHIPS
PUMALO ng bronze medal ang Philippine men’s team sa Southeast Asia Men and Women Beach Handball Championships sa Bangkok, Thailand. Naunang natalo ang nationals kontra Thailand (14-17, 24-18, 6-8) sa semis, kaya’t ibinuhos ang ngitngit sa Singapore (16-8, 20-8) para sa ikatlong puwesto. At kahit kinapos sa gold medal, ipinagmamalaki ang team ng kanilang coach na si Jana Franquelli. “Nais namin maiuwi ang ginto at kaya namin, ngunit may mga malapit na tawag at kailangan namin tanggapin ang mga resulta,” pahayag ni Franquelli. “Ipinagmamalaki ko ang koponan sa pagpapakita ng…
Read More‘SPLASH BROTHERS’ NANALASA
Ni VT ROMANO MAY season-high 41 points si Klay Thompson at 33 puntos naman kay Stephen Curry, para sa unang road win ng Golden State Warriors. Tinalo ng tropa ni coach Steve Kerr ang Houston Rockets, 127-120, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila). Pinutol ng Warriors ang 0-8 start sa road tungo sa 8-9 sa season. Nanalo ang Golden State ng lima sa huling pitong laro kasunod ng 3-7 start. Isang vintage performance ang ipinamalas ni Thompson, nakahirit ng 10-of-13 3-pointers at 14-of-23 sa field. Habang si Curry, nangapa sa…
Read MoreBLACKWATER, NEXT TARGET NG GINEBRA
FOURTH straight win ang asam ng Barangay Ginebra sa pakikipagtipan sa Blackwater ngayong (Biyernes) hapon sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup eliminations. Ganap alas-5:45 ng hapon magaganap ang tapatang Ginebra at Blackwater sa Araneta Coliseum. Bago ito, maghaharap muna ang NLEX at Terrafirma sa alas-3 ng hapon. Nasa ikalimang puwesto ngayon ang Gin Kings na may 5-2 panalo-talong record, habang ang Bossing ay pangalawa sa huli sa kartadang 3-7, ngunit may pag-asa pa rin sa quarterfinals. Target ng Ginebra makasama sa Top 4 at makakuha ng twice-to-beat advantage sa susunod…
Read More