BUCKS TINUMBA NG BULLS

TRUMABAHO si DeMar DeRozan ng 36 points at eight assists at tinulungan ang Chicago Bulls itumba ang host ­Milwaukee Bucks, 118-113, Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Manila).

Sinimulan ng Chicago ang linggong may 6-10 record at ngayon ay nakabingwit ng NBA top two teams.

Una munang winakasan ng Bulls ang nine-game winning streak ng Boston Celtics (121-107) noong Lunes.

Nag-ambag sina Zach LaVine at Nikola Vucevic ng tig-18 puntos at si Coby White, 14 markers para sa Chicago.

May 36 points, 11 rebounds at seven assists si Giannis Antetokounmpo para sa Bucks, nakakadalawang talo sa 11 home games ng season.

Nagdagdag si Brook Lopez ng 20 points at 14 points at 11 assists naman kay Jrue Holiday.

Lamang ng tatlo ang ­Milwaukee 109-106 bago naitabla ni White ng 3-pointer, 1:15 sa orasan. Matapos matawagan ng charging foul si Antetokounmpo, nakuha ni White ang pasa ni DeRozan para sa isa pang tres at nilagay ang Bulls sa unahan.

Nagka-turnover sa sumunod na posesyon ng Bucks at dito nakita ni DeRozan si Vucevic at bumato ng 3-pointer.

Ang Bucks ay wagi ng 17 sa nakalipas na 19 games, kasama ang playoffs, laban sa karibal sa Central Division.

Nalimitahan si Anteto-kounmpo sa eight points, 4-of-11 ­shooting sa first half. Umiskor siya ng 11 points sa third quarter, pero hawak ng Bulls ang seven-point advantage papasok sa fourth.

RAPTORS SABLAY
SA NETS

INISKOR ni Kyrie Irving ang 19 ng kanyang 29 puntos sa third quarter, may 14 points at 12 rebounds naman si Nic Claxton nang talunin ng Brooklyn Nets ang host Toronto Raptors, 112-98.

Nagawang rendahan ng Toronto si Kevin Durant sa 12 points, pero natalo pa rin sa Nets sa ikalimang pagkakataon sa pitong paghaharap, matapos manalo ng 21 sa nakalipas nitong 25 games.

Inilista ni Durant ang kanyang 26,074th career point sa third quarter, nilampasan si Kevin Garnett (26,071) para sa 18th place sa NBA’s all-time list.

May career-high five ­3-pointers naman si Royce O’Neale para sa total 15 points at si Ben Simmons, nag-ambag ng 14 para sa Nets, nagawang bumalikwas kasunod ng ­kabiguan sa Philadelphia (kahit hindi ­lumaro sina Joel Embiid at James Harden) noong Martes.

Nakatatlong panalo na ang Brooklyn sa apat na laro, kasama ang dalawa sa tatlo buhat nang bumalik si Irving.

Ang Nets ay 17-of-38 sa 3-point range, season-high para sa 3-point shot made. Habang ang Raptors, 7-of-29.

Nagtala si Gary Trent, Jr., ng 19 points at si Chris Boucher 12 points at season-high 16 rebounds sa Raptors’ side. May 15 points si O.G. Anunoby at 12 kay Thad Young.

BLAZERS DINAIG
NG CAVS

SINUNGKIT ng host Cleveland Cavaliers ang ika-12 panalo (6 losses) nang biktimahin ang ­Portland Trail Blazers, 114-96.

Top-scorer si Donovan ­Mitchell, 34 points, kasunod si Jarrett Allen, may season-high 24 points at 13 rebounds para sa Cavs.

Tumulong din sa panalo sina Darius Garland (24 points at 12 assists) at Evan Mobley (10 points, 12 rebounds at three blocks, sa pagkumpleto ng Cavaliers sa 4-0 homestand.

Nagsumite naman si Jusuf Nurkic ng 22 points at six rebounds, habang si Jerami Grant, 21 points para sa ikaapat sunod na talo ng Trail Blazers.

Nagdagdag si Anfernee Simons ng 20 points at six assists, samantalang si Damian Lillard ay muling hindi nakalaro ­(second game) sanhi ng right lower leg strain at second calf injury sa season.

Sa iba pang mga laro: Naubusan ng gasolina ang ­Philadelphia 76ers at natalo sa Charlotte Hornets (101-107); wagi ang GS Warriors sa LA Clippers (124-107); Minnesota T’Wolves kontra Indiana Pacers (115-101); ­Atlanta Hawks vs Sacramento Kings (115-106); Boston ­Celtics vs ­Dallas ­Mavericks (125-112); Detroit Pistons vs Utah Jazz (125-116); Miami Heat vs Washington Wizards (113-105); NO Pelicans vs SA Spurs (129-110); at Denver Nuggets vs OKC Thunder (131-125/OT). (VT ROMANO)

246

Related posts

Leave a Comment