2022 US Open 9-Ball KORONA DEDEPENSAHAN NI BIADO

Ni ANN ENCARNACION MAGANDA ang simula ni Carlo Biado sa kanyang title-­retention bid sa 2022 US Open 9-Ball Championship sa Atlantic City. Dinaig ni Biado sina Nikollin Dalibor ng Serbia at Russian Kristina Tkach, 9-1. Sunod na makakalaban niya ang kapwa Pinoy na si Joven Bustamante sa ikatlong round ng eliminations. Bitbit ni Bustamante ang bandila ng Amerika sa nasabing torneo. Kasama ni Biado na nanalo ang pinuno ng US Pro Billiards na si Roland Garcia at Mhett Vergara. Pawang kailangan na lang nila ng isa pa tungo sa knockout…

Read More

UAAP women’s basketball NU WAGI SA UST

NALAMPASAN ng National University ang hamon ng University of Santo Tomas sa 78-75 win sa UAAP women’s basketball tournament, Linggo sa Araneta Coliseum. “Akala ko maraming laban ang UST ngayon. Binigyan nila kami ng hirap. But again, credit to my girls for staying the game and ­eventually winning the game,” sabi ni Lady Bulldogs Coach Aris Dimaunahan. Nanguna si Ann Pingol sa NU sa kanyang 14 puntos, habang si Camille Clarin ay nagtala ng 13 puntos at anim na assist ngunit may anim na turnovers. Si Angel Surada naman ang…

Read More

KORONA DEDEPENSAHAN NI EX-OLYMPIAN SUAREZ

TARGET ni dating Olympian Charly Suarez mapanatili ang World Boxing Association (WBA) Asia super featherweight title laban sa kababayang si Carlo Magali. Magaganap ang laban ng dalawa sa Oktubre 23 sa Elorde Boxing Center sa Parañaque City. “Ready naman tayo. Since nasa national team ako, tinandaan ko na maihanda ang sarili ko ­physically and mentally. Pero sa haba ng experience ko, idinagdag ko na kailangan handa rin tayo spiritually,” pahayag ng 33-anyos na tubong Sawata, Davao del Norte sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang…

Read More

ANCAJAS BIGO

DINOMINA ni Fernando Martinez ng Argentina ang 12 rounds at muling tinalo si Filipino former world champion Jerwin Ancajas via unanimous decision, Sabado (Linggo sa Manila) sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California. Ang iskor: judge Tiffany Clinton, 118-110; judge Ellis Johnson, 119-109; judge Zachary Young, 118-110. Napanatili ni Martinez (15-0, 8KOs) ang IBF junior bantamweight crown, na kanyang inagaw kay Ancajas (33-3-2, 22KOs) noong Pebrero 26 sa Las Vegas. Pumabor kay Ancajas ang ­unang dalawang rounds hanggang 4th round. Nasapol ni Ancajas ng left straight si Martinez habang…

Read More

2 BANSA UNAHAN KAY EMBIID

NI VT ROMANO ANO ang pipiliin ni Joel Embiid? France o USA? Ito ay kasunod ng balitang ilang miyembro ng French national team Les Bleus ang nanliligaw ngayon sa 76ers star player, para sa World Cup (2023) at Paris Olympics (2024). Dual citizenship ang istatus ni Embiid, French at US na ipinagkaloob sa kanya nitong nakaraang buwan. Maaaring mamili si Embiid kung anong bansa ang kakatawanin sa international competitions, bagay na hindi pa niya nagagawa sa buong career. Ang World Cup, nakatakda sa 2023 sa Pilipinas at Olympic Games na…

Read More

RECORD NI JABBAR HIHIGITAN NI LEBRON

MAGSISIMULA ang panibagong season ng NBA sa Oktubre 19 at isa sa mga inaabangan ang pagsira ni LeBron James sa NBA’s all-time scoring record ni Kareem Abdul-Jabbar. Subalit, balewala lang umano iyon para sa Lakers’ superstar. Tila hindi excited si James sakaling masira niya ang record ni Abdul-Jabbar dahil hindi sila magkaibigan. Naging maasim ang relasyon ng dalawang manlalaro, dahil na rin sa mga kritisismo ng NBA legend kay James at hindi pagkatutugma ng kanilang mga pahayag sa ilang bagay. Reaksyon ni James via Twitter: ‘Nah. No thoughts. And no…

Read More

3-TAON MALAS NAGWAKAS

Ni ANN ENCARNACION MATAPOS ang tatlong taon, nakatikim na rin ng panalo ang University of the East (UE) sa UAAP Game, Miyerkoles sa PhilSports Arena, Pasig City. Wagi ang UE kontra Far Eastern University (FEU), 76-66, sa second game ng Red Warriors sa UAAP Season 85. Ito ang unang panalo ng ­Warriors simula noong Oktubre 30, 2019 nang daigin nila ang National University, 79-77, sa pagtatapos ng Season 82. Nagtala ng career-high 25 points si Kyle Paranada upang tuldukan ang 15-game losing streak ng Warriors. Bago ito, nabigo ang UE…

Read More

W80 Rancho Santa Fe LATVIAN RIVAL WINALIS NI EALA

DINOMINA ni US Open Juniors singles champion Alexandra “Alex” Eala ang nakasagupang si Deniza Marcinkevica ng Latvia, 6-3, 6-1, sa qualifying draw ng W80 Rancho Santa Fe sa California, USA nitong Lunes. Hindi na umabot ng isang oras ang laban na naging daan upang umusad sa susunod na round ng torneo ang 17-anyos at left-handed na Pinay netter. Ang 22-anyos na si Marcinkevica ay ranked No. 386 sa Women’s Tennis Association (WTA), habang si Eala ay nasa No. 291 Sunod na makakaharap ng Southeast Asian Games triple bronze medallist at…

Read More

ERRAM OUT SA TNT vs MAGNOLIA

HINDI makalalaro si Poy ­Erram ngayon (Miyerkoles) sa unang game ng TNT sa 2022-23 PBA Commissioner’s Cup. Kinumpirma ng liga, ­ngayon eepekto ang one-game ­suspension ni Erram mula sa Game Seven ng PBA Philippine Cup finals kung saan na-eject siya. Na-thrown out siya sa laro matapos ang “hard foul” nang sikuhin niya sa mukha si San Miguel big man Mo Tautuaa, na nagtamo ng six stitches. Matatandaang natalo ang TNT sa best-of seven final series at nabawi ng SMB ang titulo sa All-Filipino conference. Bunsod ng suspensyon, mag-sit out muna…

Read More