Ni ANN ENCARNACION NAGLANDING na ang ‘Final 13’ ng Gilas Pilipinas sa Beirut, Martes ng madaling araw para sa pakikipagsagupa nila sa Lebanon Cedars sa fourth window ng FIBA World Cup 2023 Asian Qualifier. Kumpiyansa si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Executive Director at spokesperson Renauld “Sonny” Barrios sa tsansa ng national team, base sa nakita niya sa last practice ng Gilas bago tumulak sa Beirut. Ibinida niya sa Philippine Sportswriter Association (PSA) online forum kahapon, palaban at malakas ang national team na sasabak laban sa fourth window. Kwento niya,…
Read MoreCategory: SPORTS
Kung wala si Tatang, wala si Lydia de Vega!
SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA “WITHOUT Tatang there would be no Lydia de Vega.” Ito ang naging pahayag ni Lydia mismo noong burol ng kanyang ama at coach na si Francisco ”Tatang” de Vega, 12 taon na ang nakalilipas. Pumanaw si Tatang noong 2010 sa araw mismo ng kapanganakan ni Diay (Disyembre 26). Nagpunta sa burol ang inyong lingkod kasama si basketball “Living Legend” Robert Jaworski sa tahanan ng mga De Vega sa Barangay Calvario, Meycauayan, Bulacan para makiramay at magbigay ng huling pagpupugay sa taong…
Read MoreMERALCO PLAYERS MASAYA KAHIT PINATALSIK NG SMB
BIGONG umabante sa PBA Philippine Cup Finals ngunit masaya pa rin ang ilang key players ng Meralco Bolts. Isinama kasi sa 24-member Gilas Pilipinas pool ang tatlo sa kanila: Allein Maliksi, Raymond Almazan at Chris Newsome. Dinaig ng San Miguel Beermen ang Bolts sa Game 7 ng kanilang semis series, 100-89, noong Miyerkoles. “Everytime naman na may invitation ka sa national team, it’s an honor to be a part of it,” ani Maliksi. “Masaya ako tungkol doon. Same feeling nung una akong tinawag sa Gilas kasi iba yung nagse-serve ka…
Read More‘MARITES’ TAMEME KAY LEBRON JAMES
Ni VT ROMANO MANANATILING suot ni LeBron James ang yellow and purple jersey. Wala pang pormal na pahayag mula sa organisasyon hinggil sa pagpirma ni James ng two-year, $97.1 million contract extension hanggang 2024-25 season sa Los Angeles Lakers, ayon sa The Associated Press. Ngunit mula sa hindi pinangalanang source, sinasabing ang maximum deal ay may player option kung saan mananatili si James, second-leading scorer sa NBA history, sa koponan ng Lakers. Si James, 40, ay nasa final year ng kanyang kontrata sa Lakers. Nilagdaan ng four-time NBA MVP at…
Read MorePAALAM, DIAY!
IHAHATID na sa huling hantungan ang namayapang track and field legend na si Lydia “Diay” de Vega ngayong alas 10 ng umaga sa Pandayan Memorial Park sa Meycauayan, Bulacan. Inilipat ang labi ng 57-anyos na si De Vega sa sinilangang bayan na Meycauayan noong Lunes, isang linggo matapos siyang pumanaw dahil sa breast cancer. Ibinurol ang tinaguriang Asia’s Fastest Woman sa Heritage Park, Taguig kung saan siya binigyang pugay ng mga kilalang personahe sa sports at mga opisyal ng bansa sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Nakiramay rin…
Read MoreGILAS POOL APAW NA
SASAMA na sina Jio Jalalon at Ian Sangalang ng Magnolia sa ensayo bukas ng Gilas Pilipinas, habang hinihintay pa rin ang pagdating nina Kai Sotto at naturalized player Jordan Clarkson. Marami pang pro players ang inaasahang magpapakita sa Gilas training na puspusan na ang paghahanda para sa nalalabing FIBA qualifying windows sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10. Nitong Lunes opisyal na nagsimula ang paghahanda ng national squad sa Meralco Gym sa Ortigas, Pasig. Maliban kay Gilas head coach Chot Reyes, present din sa closed-door training si Barangay Ginebra mentor Tim…
Read MoreMATIRA-MATIBAY NA SEMIS SERIES
PAREHONG desididong manalo ang San Miguel at Meralco upang makapasok sa finals ng Philippine Cup sa ika-47 season ng PBA. Para sa Beermen ni coach Leo Austria, nais nilang tuldukan ang tatlong taong pagkabigo sa All-Filipino Cup. Noong 2019 pa huling nakapaglaro ang team sa finals ng first conference ng liga. Para naman sa Bolts ni coach Norman Black, kailangan nilang samantalahin ang pangalawang pagkakataong makarating sa finals. Noong 2020 bubble ay nabigo ang koponan laban sa kinalauna’y nag-kampeon na Barangay Ginebra, sister team ng SMB ng RSA (Ramon S.…
Read MorePBA Philippine Cup semis Game 7 BEERMEN O BOLTS?
Ni ANN ENCARNACION HULING pagkakataon na para patunayan ng San Miguel Beermen at Meralco Bolts na sila ang karapat-dapat makatapat ng defending PBA Philippine Cup champ TNT Tropang Giga sa finals. Malalaman ngayong (Miyerkoles) alas-6 ng gabi sa decider Game 7 semifinals sa Smart Araneta Coliseum kung Meralco ba o SMB ang makakaagaw sa kampeonato ng TNT, nauna nang umusad sa finals makaraang talunin ang Magnolia Hotshots sa Game 6 ng kanilang semis series, 88-74, noong Linggo. Huling nagkampeon ang Beermen noon pang 2019 Commissioners Cup, habang bigo pa rin…
Read MoreKambal na semis series sa PBA All Filipino tapos na?
SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA NAKAMIT na kaya ng San Miguel Beer at Talk ‘N Text ang kanilang minimithing upuan sa finals ng Philippine Cup sa ika-47 taong anibersaryo ng PBA, kauna-unahang liga propesyonal sa bansa? O mapalawig pa ng Meralco at Magnolia ang best-of-seven semifinal series laban sa nangungunang dalawang koponan? Ang Beermen at Tropang Giga ay kapwa may 3-2 panalo-talong bentahe na kontra Bolts at Hotshots, ayon sa pagkakabanggit, noong Biyernes. Nagawa ng mga bata ni SMB coach Leo Austria na muling makabalikwas mula…
Read More