BNTV CUP 7-STAG DERBY FINALS

NGAYON (Agosto 15) gaganapin ang 2022 BNTV Cup 7-Stag Derby finals sa Smart Araneta Coliseum. Tampok ang 150 stags, magsisimula ang derby finals alas-12 ng tanghali. Ang BNTV Cup ay isang ‘early bird’ edition kung saan ang stags ay inihanda simula ­Oktubre at Nobyembre ng ­nakaraang taon at ini­laban noong Hulyo hanggang ngayong ­buwan. Suportado ng cockfights ­television program hosts na sina Joey Sy & Eddie Boy Ochoa ng Bakbakan Na, kasama ang magkapatid na Joseph & Peter Chua at Cockfights Magazine publisher Wilvin Sy, ang BNTV Cup ang pasimuno…

Read More

WARRIORS AT LAKERS KASADO NA!

MAGHAHARAP sa opening game ng NBA (2022-23) season ang Golden State Warriors at Los Angeles Lakers sa Chase Center sa San Francisco. Pero bago ang laro sa tropa ni LeBron James at ng Lakers, tatanggapin muna ni Stephen Curry at ng Warriors ang kanilang 2022 championship rings sa gagawing traditional ring ceremony. Tinalo ng Warriors ang Boston Celtics (4-2) sa 2022 NBA Finals at nakatakdang tanggapin nina Curry, Draymond Green, Klay Thompson at Andre Iguodala ang kanilang fourth ring. Habang ikatlong championship ring naman ito ni veteran center Kevon Looney.…

Read More

PBA Philippine Cup semifinals HOTSHOTS BUHAY PA

NANAIG ang Magnolia kontra Talk ‘N Text, 105-97, sa Game 5 ng kanilang best-of-7 PBA Philippine Cup semifinals, Biyernes sa Araneta Coliseum. Dahil sa panalo ay nanatiling buhay ang pag-asa ng Hotshots, bagama’t lamang pa rin ng isang game ang Tropang Giga, 2-3. Nagtulong-tulong ang Magnolia key players na sina Mark Barroca, Calvin Abueva at Ian Sangalang upang maiwasang tuluyang mapatalsik sa serye. Kumamada si Barroca ng 25 points, 6 rebounds at 4 assists habang si Abueva ay may 16 markers, 10 boards at 5 assists, at si Sangalang ay may 16 points. Napigilan…

Read More

BAYANG SABUNGERO EXCITED NA SA PITMASTERS CUP SA MANILA ARENA

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG MARAMI nang nag-aabang para sa panibagong bugso ng Pitmasters Cup 2022. Excited na ang bayang sabungero. Kung maaalala, naging matagumpay ang Early Bird Edition kung saan 498 entries ang lumahok. Nakalinya naman sa mga susunod na buwan ang maraming events. Unang aarangkada ang bakbakan sa Oktubre sa 10-Stag Derby (local band edition) na mayroong format 3-3-4 at ang venue ay sa Manila Arena. Kung hindi ako nagkakamali, nasa P88,000 ang pot money at P55,000 naman ang minimum bet. Tumataginting na P30 milyon ang…

Read More

Laban ni Hidilyn, tuloy hanggang Paris Olympics

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA WALA NA SI LYDIA “DIAY” DE VEGA! ­IPINA­AABOT NG SAKSI NGAYON SPORTS AT NG SALA SA INIT … SALA SA LAMIG ANG AMING TAOS-PUSONG PAKIKIRAMAY SA PAGPANAW NG LEGENDARY TRACK AND FIELD QUEEN NOONG GABI NG MIYERKOLES, MATAPOS ANG APAT NA TAONG ­PAKIKIPAGLABAN SA BREAST CANCER. *** Tingnan nga naman ninyo kung anong ­sakripisyo ang pinagdadaanan ng ating mga atleta mabigyan lamang ang bansa at ang mga kapwa Pilipino ng karangalan sa iba’t ibang larangan ng palakasan sa daigdig. Tulad na…

Read More

KOBE BRYANT CASE UMUSAD

NAGSIMULA na nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila) ang kasong isinampa ng biyuda ni Kobe Bryant. Ito ay may kinalaman sa ­’graphic photographs’ na kinuha ng mga naunang rumesponde sa lugar na pinangyarihan ng helicopter crash, kung saan nasawi ang NBA legend, 13-anyos nitong anak at pitong iba pang sakay ng chopper sa Los Angeles, California noong Enero 2020. Saad ni Vanessa Bryant na asawa ni Kobe, dumanas siya ng ’emotional distress’ dahil sa ginawa ng mga personnel mula sa Los Angeles Sheriff’s Department at firefighters na pagkuha ng larawan sa…

Read More

ATLETANG MAY HIGHEST ENDORSEMENT DEAL

KUNG mayroong GOAT ­(Greatest Athlete of All Time), mayroon ding ‘highest endorsement deal of all time.’ Hindi maitatangging malaki ang kinikita o tinatanggap na pera ng mga atleta mula sa pag-eendorso ng produkto, o kaya’y pagiging brand ambassadors na ginagamit sa pagmamarket. Pero, sa top 5 sa pagiging ‘greatest brand endorsement deal of all time list,’ hindi pasok si former world boxing champion Floyd Mayweather Jr., maging si Lakers legend Shaquille O’Neal o si tennis great Serena Williams. Ang nangunguna sa listahan? Si Cristiano Ronaldo, ang ­legendary football player na…

Read More

JC ‘OUT’ SA FIBA

Ni ANN ENCARNACION HINDI na makalalaro si Fil-Am Jordan Clarkson sa Gilas Pilipinas. Ngunit sa dalawang window lang (5 at 6) ng Fiba Asia Cup, ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP). Nauna nang kinumpirma ng Utah Jazz guard at 2020-21 NBA season’s Sixth Man of the Year ang kanyang partisipasyon sa national squad sa Fiba Basketball World Cup 2023 na ihohost na bansa kasama ang Indonesia at Japan. Sinabi ni SBP Executive Director at spokesperson Sonny Barrios, walang problema kung last minute nang makaka-join si Clarkson sa Gilas. “Siya…

Read More

JORDAN, GILAS NATURALIZED PLAYER

WALANG choice ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kundi tanggapin ang desisyon ng Fiba – na payagan si Filipino-American at Utah Jazz guard Jordan Clarkson na maglaro sa Gilas Pilipinas hindi bilang local kundi naturalized player. Sinabi ni SBP Executive Director at spokesperson Renauld ‘Sonny’ Barrios sa online ­Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes, nalulungkot sila sa pasya ng ­federation. “Sabi nga Bull by the horn, horn by the Bull. Hindi na puwede siya maglaro as local. Tinanggap na namin sa SBP na naturalized lang ang classification niya sa…

Read More