UMUSAD si Filipina netter Alex Eala sa semifinals ng W25 El Espinar/Segovia Huwebes ng gabi makaraan ang pahirapang panalo laban kay Rosa Vicens Mas ng Spain. Tinalo ng WTA no. 282 na si Eala ang WTA no. 285 na si Vicente S sa dikitang 7-6(3), 7-6(4) sa quarterfinals. Ito ang fourth semifinals ngayong taon ng 17-year old Pinay, asam makuha ang kanyang third professional title. Sunod na haharapin ni Eala si Eva Guerrero Alvarez, seeded seventh at kanya nang dinaig sa first round ng W25 Corroios-Seixal ilang linggo lang ang…
Read MoreCategory: SPORTS
UAAP PLAYERS ISASABAK SA AVC CUP FOR WOMEN
KAKATAWANIN ng mga manlalaro mula sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang Philippine team na sasabak sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup for Women. Siyam na top Asian teams plus Pilipinas bilang 10th squad at host, ang lalahok sa August 21-29 event sa PhilSports Arena sa Pasig City. Dapat sana’y ginanap noong 2020 ang seventh edition ng tournament ngunit nakansela sanhi ng coronavirus pandemic. Hindi pa pinangalanan ang mga manlalarong tatapikin para sa koponan, pero ayon kay Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon ‘Tats’ Suzara, magbibigay ng…
Read MorePSA Athlete of the Month YULO, OBIENA TABLA
WALANG tulak-kabigin kaya dalawa ang Philippine Sportswriters Association (PSA) Athlete of the Month — gymnast Carlos Edriel “Caloy” Yulo at pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena. Ang Japan-based na si Yulo ay panalo ng tatlong gintong medalya sa vault, parallel bars at floor exercise sa 9th Asian Artistic Gymnastics Championships sa Doha, Qatar. Mayroon din siyang pilak sa all-around, sapat para makakuha siya ng tiket sa World Artistic Gymnastics na nakatakda sa Liverpool, England sa huling linggo ng Oktubre hanggang unang bahagi ng Nobyembre. Habang ang Italy-based na si Obiena…
Read More47th PBA Philippine Cup Q’FINALS TATAPUSIN NG BOLTS, HOTSHOTS
Ni ANN ENCARNACION MAHIRAP magsara ng serye. Alam ito ng Meralco at Magnolia, parehong lamang ng isang game at kailangan na lang ng isa pa kontra Barangay Ginebra at NLEX (ayon sa pagkakasunod) para tuluyang makausad sa semifinals ng 47th PBA Philippine Cup. Sa double-header ngayon (Biyernes) sa FilOil EcoOil Center, San Juan, pipilitin ng Bolts tapusin ang best-of-three series laban sa Gin Kings sa alas-3 ng hapon, at ganito rin ang pakay ng Hotshots kontra Road Warriors sa alas-6 ng gabi. Nakuha ng Meralco ang unang panalo kontra Ginebra,…
Read More‘KUSINA ON WHEELS’ NI CONG. ARJO ATAYDE
SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG SUMABAK agad sa trabaho si Quezon City 1st Dist. Rep. Arjo Atayde sa pagbubukas ng 19th Congress. Aba’y naghain agad siya ng top six priority bills sa Kongreso. Aniya, ang mga panukala niya ay malapit sa kanyang puso. “Marami pa tayong kailangang matutunan tungkol sa paggawa ng batas. Ngunit ang maipapangako ko sa mga naghalal sa akin, tututukan natin at ipaglalaban ang mga panukalang ito,” wika ng batang kongresista. Batay sa tradisyon, pinapayagan ang personal na paghahain ng mga mambabatas ng kanilang prayoridad…
Read More124-taon kamalasan, tinuldukan ni EJ Obiena
SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA PASKO ng Pagkabuhay noong Abril 21, 2019 nang handugan ang Pilipinas ni pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena ng gintong medalya mula sa 23rd Asian Track and Field Championships sa Doha, Qatar. Sa kanyang tagumpay ay pinawi ni EJ ang 124 taong pagkauhaw ng bansa sa gintong medalya sa naturang kompetisyon simula noong 1925, nang sa ikapitong edisyon ng kinikilala pang Far Eastern Games ay naghari sa pole vault si Antonino Alo matapos talunin si Ting T-chung ng China, na binigo…
Read More2022 PBA Philippine Cup TNT ABANTE SA SEMIS
Ni DENNIS INIGO TNT Tropang Giga ang unang team na nakausad sa semifinals ng PBA 47th Season Philippine Cup matapos ilampaso ang Converge FiberXers, 116-95, kahapon sa Araneta Coliseum. Armado ng 8-3 win-loss record sa pagtatapos ng eliminasyon at may twice-to-beat incentive sa quarterfinals, kailangan lang manalo ng isang beses ng TNT para upuan ang isang silya sa semis. At bagama’t maganda ang ipinakita ng Converge, agad umabante sa playoffs sa unang pagsalang sa league’s first conference sa 5-6 record, hindi nito kinaya ang lakas ng defending champion. Bago magsimula…
Read MoreHidilyn Diaz-Naranjo: BABY O BARBELL?
BLANGKO ang Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) sa patutunguhan ng karera ng nag-iisang Olympics gold medalist ng bansa na si Hidilyn Diaz, makaraang magpakasal sa kanyang personal coach na si Julius Naranjo. Inamin ni SWP president Monico Puentevella, tumayong isa sa mga ninong sa Diaz-Naranjo nuptial, hindi siya tiyak kung ano ang magiging prayoridad ng Pinay weightlifter — magbuhat ng barbell o baby? “Kakausapin ko sila kung ano ba talaga ang plano nila. Alam mo naman magha-honeymoon ‘yan at siyempre baka mahirapan ‘yan makabuhat pagbalik,” sabi ni Puentevella. “Kaya gusto…
Read MoreOBIENA MAY BAGONG MISYON
MAKARAAN ang historic performance sa World Athletics Championships, may bagong misyon si Olympian pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena. Ibinulsa ni Obiena ang kauna-unahang bronze medal ng Pilipinas mula sa torneo na ginanap sa Eugene, Oregon at nagtala ng panibagong Asean record sa pole vault na 5.94m. Hawak niya rin ang dating 5.93m Asian record, na naitala niya sa Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria noong nakalipas na taon. Ngayon ay target naman niyang makapag-uwi ng Olympics medal at mapabilang sa elite 6-meter club. “There are a lot of things…
Read More