KAHIT interesado ang Heat sa trade package para kay Brooklyn Nets star Kevin Durant, minabuti ng koponan mag-concentrate sa kasalu- kuyang team/roster, ayon sa Miami Herald. Ilang linggo na ring isyu ang paghingi ng 33-anyos na si Durant ng trade mula sa Nets at kung may koponan siyang nais puntahan ito ang Miami o ‘di kaya’y Phoenix. Nais ng Nets ng star players kapalit ni Durant. Kung mula sa Heat, interesado ang Brooklyn kay Bam Adebayo. Ngunit ayon sa Miami Herald, hindi isasama ng Heat sa package ang star center.…
Read MoreCategory: SPORTS
PERA MAS MATIMBANG KAY LILLARD
Ni VT ROMANO NAGPATALI si Portland Trail Blazers star Damian Lillard sa koponan hanggang 2026-27 season. Hinugot ng Portland si Lillard bilang No.6 sa 2012 draft at naging All-Star member sa ikalawang taon niya. Pumirma siya ng four-year, $176.2 million deal noong 2019 at two-year, $121.7 million extension nitong July. Naga-average si Lillard ng 24.6 points, 6.6 assists at 4.2 rebounds sa 711 career games. Hindi pa nakalulusot ang Portland sa Western Conference Finals sapul nang maging centerpiece siya ng team. Ang pagpapatali ni Lillard sa Portland ay ikinataas ng…
Read MoreDURANT-BROWN TRADE NILULUTO
NANG humiling si Kevin Durant ng trade mula sa Brooklyn Nets noong Hunyo 30, o bago magsimula ang free agency ng NBA, ikinagulat iyon nang marami dahil kapipirma pa lamang niya ng contract extension. Habang patuloy na naghihintay ang Nets sa ‘right trade’ para maipalit sa future Hall of Famer, nakatanggap ito ng offer mula sa karibal na Boston Celtics. Kung matatandaan, ang Nets ay winalis sa playoffs ng Celtics na umusad sa NBA Finals at ngayon, nais nilang makuha ang serbisyo ni Durant. Base sa ulat ng The Athletic…
Read MoreCAREER HIGH KAY ALEX EALA
NAABOT ni Pinay netter Alexandra “Alex Eala ang bagong career high matapos umangat sa Women’s Tennis Association (WTA) rankings. Sa unang pagkakataon ay nakatuntong sa Top 282 ang 17-anyos left-handed na si Eala sa lumabas na WTA Singles Ranking nitong Hulyo 25, 2022. Gayunpaman bumaba siya sa ITF Singles Ranking, No. 299 mula sa dating No. 267 noong Abril 18, ngayong taon. Sinimulan ni Eala ang 2022 season bilang No. 529 at nakapagtala ng kabuuang 29 panalo at 12 talo sa hard surface at isang talo sa clay. Mula sa…
Read MoreSMB, TNT MAY BENTAHE
PAREHONG nangangailangan lang ng isang panalo ang No. 1 San Miguel Beermen at No. 2 TNT Tropang Giga sa double-header ng 2022 PBA Philippine Cup quarterfinals sa Araneta Coliseum ngayon (Miyerkoles). Kung matatalo ng TNT ang Converge FiberXers sa alas-3 ng hapon na laro, dederecho na sa semifinals ang Tropang Giga. Ganito rin ang mangyayari sa SMB kung magwawagi laban sa Blackwater Bossing sa 6pm main game. Ito ay dahil kapwa armado ang Beermen at Tropang Giga ng twice-to-beat advantage, kaya kailangan lang nilang manalo ng isang beses habang dalawang…
Read More‘PAC-YOO’ EXHIBITION; ‘ESPI’ MAGKA-COMEBACK?
ROLL VTR Ni VT ROMANO MULI nang aakyat sa boxing ring si former eight-division world champion Manny Pacquiao sa Disyembre. Gaya ng mga naisulat na, isang exhibition match ito laban kay Korean Youtuber DK Yoo. Kaya nga tatawagin itong ‘Pac-Yoo’ clash! Kagagaling lang ni Pacquiao sa Europe tour kasama ang pamilya, kung saan pumasyal sila with wife Jinkee, sons Michael and Israel and daughters Princess at Quennie. Hindi nakasama si Jimuel (panganay na anak) dahil nasa USA ito. Tumuloy si Jinkee at mga anak sa Los Angeles, California upang dalawin…
Read MoreHIDILYN AT COACH JULIUS KINASAL NA
NGAYON ang kasal ni Olympics gold medalist-weightlifter Hidilyn Diaz at kanyang coach na si Julius Naranjo. Isang taong anibersaryo rin ito ng historic Olympics gold win ni Diaz sa 55-kg. event sa XXXII Games na ginanap sa Tokyo. Kabilang si dating pangalawang pangulo ng bansa Leni Robredo at Teresita Tan Sy-Coson ng SM Investments Corp. at eight-division world boxing champion Manny Pacquiao, business tycoons Manny V. Pangilinan ng MVP Group at Ramon S. Ang ng San Miguel Corp., sa mga ninang at ninong sa marangyang kasal sa Philippine Military Academy…
Read MoreWILLIAMS ITINALI NG SUNS
WALANG plano ang Phoenix Suns na pakawalan ang kanilang Coach of the Year. Ayon sa ulat, pumayag si Monty Williams sa long-term contract extension sa koponan. May nalalabi pang dalawang taon sa lumang kontrata ang naturang coach. Ang Phoenix ay isa sa best teams sa NBA sapul nang hawakan ni Williams noong 2019. Sa unang tatlong taon niya sa koponan, nagtala ang Suns ng 149-78 at 21-14 sa dalawang postseason appearances, kabilang ang NBA Finals run sa 2021, natapos sa 4-2 series loss laban sa Milwaukee Bucks. Nagwagi si Williams…
Read MoreNEW ASIAN POLE VAULT RECORD NI EJ OBIENA
Ni ANN ENCARNACION TINABUNAN ni Ernest John “EJ” Obiena ang kanyang dating pole vault (outdoor) Asian record sa 2022 World Athletics Championships sa Hayward Field sa Eugene, Oregon, USA. Tumalon siya ng 5.94 metro, .01 mas mataas sa dati niyang Asian record, at sapat para sa bronze medal finish. Nanguna sa torneo si Armand Duplantis ng Sweden, nagtala rin ng bagong world record na 6.21m mula sa dati niyang 6.20m. Pumangalawa si Chris Nilsen ng USA na gaya ni Obiena ay nagtala ng 5.94m jump at nagkatalo lang sa countback.…
Read More