PUMANGATLO ang Gilas Pilipinas Girls sa pagtatapos ng 2022 FIBA Asia U16 Women’s Championship Division B sa pagbigo sa Lebanon sa huling araw ng kompetisyon, 90-68, sa Prince Hamza Sporting Hall sa Amman, Jordan. Bumawi ang Gilas Girls sa Lebanon matapos ang pagkatalo sa Samoa sa semifinals. Rumatsada sa third quarter ang Filipina cagers at dinagdagan ang pitong puntos na half time lead tungo sa 19-puntos papasok sa huling yugto, 67-48. Nagtulong sina Kristan Geyl Yumul at Gabriella Ramos, parehong may tig-20 puntos, para selyuhan ang tagumpay. Nagdagdag si Yumul…
Read MoreCategory: SPORTS
NBA rigodon tuloy SETH CURRY TARGET NG LAKERS
Ni VT ROMANO SA pinakahuling kaganapan sa rigodon sa NBA, nag-uusap ang Los Angeles Lakers at Brooklyn Nets sa isang trade package kung saan magpapalitan ng point guards sa pagitan nina Russell Westbrook at Kyre Irving. Ayon sa multiple sources ng liga, may nakikitang dahilan para magkasundo ang magkabilang kampo, bagama’t mayroon pang mga dapat plantsahin. Nais ng Nets na si shooting guard Joe Harris, nagpapagaling mula sa left ankle surgery, at ang nalalabi nitong $38.6 million sa susunod na dalawang taon ay mapasama sa deal. Hindi pa sumasang-ayon ang…
Read More‘HUWAG KUYUGIN SI NICA DIRECTOR EDSEL BATALLA’
MARAMI ang nagulat sa inilabas na committee report matapos ang Senate investigation ukol sa large-scale agricultural smuggling. Sa listahan na inilabas ni Senate President Vicente Sotto III, binanggit ang tinatayang 22 individuals, kabilang ang Bureau of Customs (BOC) chief na hinihinalang smugglers o kaya’y protectors. Ang 63-page committee report ay binulatlat ni Sotto kasunod ng pagpupulong nila ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. Batay raw sa intelligence information, pinangalanan sina Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, Deputy Commissioner for intelligence Raniel Ramiro, Deputy Commissioner Vener Baquiran; BOC directors Jeoffrey Tacio and Yasser…
Read MorePhilippine sports matututukan sa administrasyon ni PBBM
MULA ngayon (Hulyo 1) at sa loob ng anim na taon may bagong Chief Executive na ang Pilipinas, si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Mula sa SAKSI NGAYON Sports at kolumnistang ito, ipinaaabot namin ang aming malugod na pagbati sa ating mahal na Pangulo. Ilang mga atleta at lider sa sports ang nagtatanong sa Sala sa Init, Sala sa Lamig: “Ano na ang magiging kinabukasan ng sports sa Pilipinas sa ilalim ng gobyernong PBBM?” Wala pa kaming naririnig na mga bagong programa ng bagong upong administrasyon hinggil sa sports sa…
Read MoreGINEBRA GUSTONG SUMALO SA LIDERATO
MAKISIKSIK sa leader board ang pakay ng Barangay Ginebra sa paghaharap nila ng Converge FiberXers sa double-header ng 2022 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum ngayon (Biyernes). Ikalimang sunod na panalo naman ang tutumbukin ng TNT Tropang Giga sa pakikipagsagupa sa wala pang panalo na Terrafirma Dyip. Unang magtatapat ang Tropang Giga at nanganganib na maagang mapatalsik na Dyip sa ganap na alas 3 ng hapon. Susundan ito ng 6pm na salpukan sa pagitan ng Gin Kings at umaasang makakaahon pa sa ilalim na FiberXers. Hindi makakasama ng Ginebra sa…
Read MoreBELEN, LAURE SALI SA PH TEAM SA 2022 AVC CUP FOR WOMEN
ISINAMA ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang pinakamahuhusay na collegiate players sa national team na sasabak sa 2022 AVC Cup for Women na nakatakda sa Agosto. Sinabi ni PNVF national teams commission chair Tony Boy Liao, layon nila na maagang mahasa para sa international competitions ang mga young player sa bansa. Unang inilunsad ang Philippine Volleyball League (PVL) Invitational Conference kapartner ang Sports Vision ni Ricky Palou na magsisilbing tulay sa pagbubuo sa future national women’s team. Ilan sa inaasahang makakasama sa AVC Cup ang kauna-unahang Rookie-MVP ng UAAP…
Read MorePBA PH CUP CHAMP, RUNNER-UP SA EASL
PLANO ng PBA na ang tatanghaling kampeon at runner-up sa 2022 Philippine Cup ang ilalaban sa East Asia Super League na gaganapin sa Oktubre. Makakasama ng PBA All-Filipino champ sa Group A ng EASL ang PLeague+ champ Taipei Fubon Braves, Korean Basketball League (KBL) runner-up Anyang KGC at Japan B. League counterpart Ryukyu Golden Kings, base sa resulta ng drawing of lots noong Martes. Kabilang naman sa Group B ang KBL champion Seoul SK Knights, Japan B. League title holder Utsonomiya Brex, Bay Area Dragons na irerepresenta ang Greater China,…
Read MorePapel ng media sa tagumpay ng ‘Thrilla in Manila’
SPORTS FEATURE Ni EDDIE ALINEA ISANG buwan bago naganap ang “Thrilla in Manila” noong Oktubre 1, 1975 nina ‘The Greatest’ Muhammad Ali at ‘Smokin’ Joe Frazier, nagdatingan na sa lungsod ang foreign media. Sa tulong nila at mahigit 300 local media na nagkober sa mga kaganapan sa pinakamalaking sporting event sa Pilipinas ng mga panahong iyon, nabigyan ang buong mundo ng ideya sa tunay na mga pangyayari sa bansa sa ilalim ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand Marcos, at makilala rin ang kanyang First Lady Imelda Romualdez-Marcos. Kabilang sa mga nagkober…
Read MoreWALL, KAWHI AT PG BAGONG WEST ‘BIG 3’
HALOS kababalita pa lamang na na-buyout ng Houston Rockets ang final year ng kontrata ni John Wall, iniulat ng ESPN balak lumagda ng player sa Los Angeles Clippers sa sandaling makakuha ng waivers. Ibinangko si Wall, 31, sa kabuuan ng 2021-22 season, matapos mabigo ang Rockets makahanap ng trade partner. Binayaran siya ng Rockets ng $44.3 millon para lamang maupo sa kabuuan ng 2021-22 season. Nakatakda sana siyang kumita ng $47.4 million sa susunod na taon, ngunit ayon kay ESPN’s Tim MacMahon, nagkasundo ang magkabilang panig na bayaran siya ng…
Read More