ATENEO, ADAMSON AGAWAN NG SILYA

MAG-UUNAHAN sa huling silya sa quarterfinals ng UAAP Season 84 women’s volleyball tournament ang Adamson University (AdU) at nagtatanggol na kampeong Ateneo De Manila University (ADMU), Sabado ng hapon sa Mall of Asia Arena. Nakapuwersa ng decider game para sa No. 4 spot ang AdU sa pagtala ng 25-23, 17-25, 25-16, 26-24 win kontra No. 2 De La Salle University noong Huwebes. Inaasahang bibitbitin ulit ni Trisha Genesis ang Lady Falcons tulad nang ginawa niya kontra DLSU nang kumamada ng 20 ­puntos mula sa 19 hits at isang ace, habang…

Read More

“#LetLaniLeave” lumalakas PSI DUMIPENSA

IGINIIT ng pamunuan ng ­Philippine Swimming Inc., (PSI) na mas pinahahalagahan nito ang FINA standard time kaysa FINA ranking points sa pagpili ng swimmers na ipadadala sa international tournament gaya ng World Championship na isasagawa sa Hunyo 16 hanggang Hulyo 4 sa Budapest, Hungary. Ito ang ikinatwiran ng asosasyon sa pagsipa kay lone Pinoy gold medalist sa women’s 200-meter backstroke sa nakaraang Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam na si Chloe Isleta mula sa national team na sasabak sa World Championship. Sa pinakabagong memorandum na inilabas ni PSI president Lani…

Read More

GAB SA 37th IBF CONVENTION

NAKIISA ang Games and Amusements Board (GAB) sa 37th International Boxing ­Federation (IBF) Convention sa Long Beach, California. Kinikilala ng International Boxing Hall of Fame, ang IBF ay isa sa mga pinakamalaking organisasyon na nagpopromote ng mga dekalidad na boxing bouts sa buong mundo. Ginanap nitong Mayo 24-28, ang limang araw na convention ay dinaluhan ng sports officials mula sa iba’t ibang bansa kabilang sina GAB Chairman Baham Mitra at bagong hirang na GAB Commissioner Raul Lagrisola. “We would want to leave a parting legacy that will help the professional…

Read More

EALA HATAW SA W25 MADRID QF

Ni ANN ENCARNACION UMABANTE si teen ace Alex Eala sa quarterfinals ng W25 Madrid matapos ma-upset ang seeded No. 4 sa torneo na si ­Xiaodi You ng China, 6-4, 6-2. Ang ITF Women’s World ­Tennis Tour sa Ciudad de la Raqueta sa Madrid, Spain ang ikatlong beses na quarterfinals ng 17-anyos na Pinay ngayong taon, mula nang manalo siya sa W25 Chiang Rai noong Abril. Bago ang W25 Madrid, umabot din siya hanggang ­quarterfinals sa W25 series sa Thailand. Sunod na makakasagupa ng WTA No. 419 na si Eala si…

Read More

Pacquiao, posibleng mahabol ni Inoue

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA MATAPOS dispatsahin si Pilipino four division champion Nonito Donaire sa loob lamang ng ­second round TKO, hindi malayong tanghaling world “pound-for-pound” si Japanese Naoya Inoue. Ang posibleng makalaban sa naturang karangalan ni Inoue ay isa-isa nang nalalaglag sa listahan. Natalo si Canelo Alvarez kay Dmitry Bivol kamakailan lang, kaya lalong lumaki ang tsansa ng 29-anyos na Japanese na ­tanghaling P4P king matapos na simbilis ng kidlat na lupigin ang Pilipinong future Hall of Famer, Martes sa Saitama, Japan. Kabilang ang Sala…

Read More

PUMALAG SA ‘PALAKASAN’ SA PSI

Ni DENNIS INIGO NANGAKO ang ina ni 31st Southeast Asian Games gold medalist Chloe ­Isleta na ipaglalaban niya ang karapatan ng kanyang anak at iba pang ­deserving swimmers sa bansa. Kaugnay nito, ­ibinunyag ng ina ni Isleta na si Gng. Cecil Doromal-Waller ang “palakasan” system sa Philippine Swimming, Inc. na pinamumunuan ni Lani Velasco. Patunay aniya nito ang pagkakatanggal sa kanyang anak sa national swimming team na sasabak sa FINA World Championship sa Hunyo 19-24 sa Budapest, Hungary. Ito ay kahit pa si Isleta ang tanging gold ­medalist sa kanilang…

Read More

PAGBUHAY SA MINDANAO TOURISM, SUPORTADO NI GEN. VAL DE LEON

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG MARAMING pumalag sa pahayag ni freelance journalist Raissa Robles na hindi raw puwedeng buhayin ang turismo sa Mindanao. Magpipiyesta lang daw kasi ang mga bandido at kidnappers. Kasama sa mga umangal ay si Tausug-Kausug Partylist Rep. Sheree Ann Tan-Tambut. Kung matatandaan, sa twitter post ni ­Robles, correspondent ng South China Morning Post at vlogger, kinutya nito ang plano ni Liloan, Cebu mayor at incoming Department of Tourism ­Secretary Christina Garcia Frasco na buhayin ang turismo sa rehiyon. Aba’y tila nananakot kasi si Robles.…

Read More

UAAP Season 84 women’s volleyball PAGTATAPOS NG ELIMINASYON

ITATAKDA ng National University ang magiging direksyon ng Final Four ngayon (Huwebes) sa huling elimination day ng UAAP Season 84 women’s volley­ball tournament sa Mall of Asia Arena. Nakadepende ang magiging placing ng Final Four sa resulta ng salpukan ng NU at University of Santos Tomas sa ganap na alas-4:00 ng hapon. Una rito, maglalaban sa unang game sa alas-10:00 ng umaga ang kapwa eliminated nang University of the East at Far Eastern University. Susundan ito ng tapatan ng Adamson University at De La Salle University 12:30 ng tanghali. At…

Read More

PAGKATALO TANGGAP NI DONAIRE

MAGAANG na tinanggap ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang pagkatalo kay ­Japanese Naoya “Monster” ­Inoue, Martes ng gabi sa Saitama, Japan. Dalawang beses bumagsak ang 39-anyos na si Donaire, isa sa opening round, isa sa second, tungo sa technical knockout loss ng kanilang bantamweight unification rematch. “It is what it is,” lahad ni Donaire, recipient ng 2011 Fighter of the Year at 2018 BWAA Good Guy Award. “I’m very grateful that I’m healthy.” Idinagdag ni Inoue sa kanyang dalawang korona (WBA at IBF) ang WBC belt ni Donaire. Inamin…

Read More