NO. 1 TEAM TUMBA SA WARRIORS

Ni VT ROMANO SA rematch ng nakaraang NBA Finals, Golden State ­Warriors pa rin ang wagi kontra Boston Celtics sa iskor na 123-107. Maganda ang panimula ng Celtics sa season, bukod sa pagdaragdag ng ilang ­manlalarong makatutulong sa opensa. Ngunit sa kabila ng 13-13 kartada, patuloy na dinodomina ng Dubs ang home games. Dahil kulang sa depensa ­bunga ng ‘di pagsalang ni Andrew Wiggins, hinugot ni coach Steve Kerr si Jordan Poole para sa starting lineup, habang inilagay sa tres si Klay Thompson. Hindi agad pumutok si Steph Curry at…

Read More

MAGIC EPEKTIB SA CLIPPERS

TUMALAB ang mahika ng Orlando sa pangunguna ni rookie Paolo Banchero, iniskor ang 10 sa kanyang 23 puntos sa overtime, nang magtala ang Magic ng 116-111 win kontra Los Angeles Clippers at putulin ang nine-game losing streak, Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Manila). Si Banchero, top overall pick sa nakaraang NBA draft, ay na-convert lahat ng kanyang six free throws sa final seven seconds sa OT at nanguna sa paghahabol ng Magic mula sa 111-110 deficit. Umiskor si Terrance Mann ng 19 points (off the bench) para sa Clippers. Habang…

Read More

2022 World Championship HIDILYN DIAZ BUMUHAT NG 3 GINTO

Ni VT ROMANO ISANG taon makaraang magreyna sa Tokyo Olympics at hablutin ang kauna-unahang ginto ng Pilipinas, muling inilagay ni Hidilyn Diaz sa pedestal ang bansa nang mapanalunan ang korona ng women’s 55kg division sa World Championship sa Bogota, Colombia, Miyerkoles (Huwebes sa Manila). Dinaig ni Diaz sina Rosalba Morales ng Colombia at Ana Gabriela Lopez ng Mexico nang bumuhat siya ng 93 kilograms sa snatch para sa unang ginto, sinundan ng 114kgs sa clean and jerk para sa total 207kgs at ikatlong gintong medalya. Tumapos namang pampito ang kababayang…

Read More

Casimero-Akaho ‘no contest’ IAAPELA NG GAB

HINDI kuntento ang mga ­opisyal ng Games and Amusements Board (GAB) sa naging resulta ng laban ni Pilipino boxer John Riel Casimero kay Ryo Akaho ng Japan noong Disyembre 3 sa Paradise City Plaza sa Incheon, South ­­Korea. Sa ipinadalang sulat nina Atty. Ermar Benitez, GAB OIC at Chief Legal Division, at Jackie Lou ­Cacho-Ornido, hepe ng ­boxing at iba pang contact sports, sa ­pangulo ng Korea Boxing Member’s Commission na si John Hwang ay hiniling nila ang masusing pag-aaral sa kontrobersyal na desisyong ‘no contest’ ng Japanese referee na…

Read More

BLU BOYS ANGAT SA WORLD RANKINGS

NAGPAKITANG-GILAS ang RP Blu Boys sa katatapos na Softball World Cup sa Auckland, New Zealand. Tumapos na pang-10 sa 12 bansang lumahok. Umakyat din sa world rankings ang pambansang koponan mula No. 21, ngayo’y No. 10. Sa kabila nito, inamin nina coach Rey Pagcaliwagan at Sid Abello, upang higit pang mapataas ang rankings at makatapos ng mas mataas na puwesto sa kompetisyon, higit pang exposure at suporta ang kailangan ng koponan. “We’re very proud of our ­players,” pahayag nina coach Pagkaliwagan at Abello kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum…

Read More

POSEIDON KAMPEON SA BIAZON SWIM CUP

NAKOPO ng Poseidon Swimming Team ang overall championship sa katatapos na 1st Ruffy Biazon Swim Cup sa bagong gawang Olympic-sized indoor Muntinlupa Aquatic Center sa Brgy. Tunasan, Muntinlupa City. Nasungkit ng Poseidon ang kabuuang 320 puntos mula sa pinagsamang kampanya sa Class A hanggang D laban sa mahigpit na karibal na Eastern Aquatics Swimming Team at Dax Swim Squad. Pumuwesto sa top 7 ang ­Sharpeedo Swim Team, Pasig Rave Barracudas Swim Team, De La Salle University Dasmariñas at Bosay Resort Aquatic Club. Pinangasiwaan ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon kasama…

Read More

UAAP Season 85 women’s basketball championship NU NAMUMURO

Ni ANN ENCARNACION DINOMINA ng National University (NU) ang De La Salle University (DLSU), 93-61, sa Game 1 ng UAAP Season 85 women’s basketball finals, kahapon ng hapon sa Araneta Coliseum. Matatandaang tinuldukan ng DLSU ang historic 108-game winning streak ng NU (simula 2013) noong Nobyembre 23, sa 61-57 overtime win. Ngunit nitong Miyerkoles ay tiniyak ng Lady Bulldogs na walang magaganap na ‘upset’ nang sa second quarter pa lang ay umalagwa na ng hanggang 33 puntos. Nagpasimula sa 18-4 atake si NU’s Mikka Cacho, nagsalansan ng 16 points on…

Read More

DURANT, EAST PoW

SA ikalawang pagkakataon ngayong season, tinanghal si Brooklyn Nets superstar Kevin Durant bilang Eastern Conference Player of the Week (Nobyembre ­28-Disyembre 4 period). Ito ang ikalimang beses na ginawaran si Durant ng nasabing award bilang Brooklyn Net player at 31st sa buong career. Sa huling four games si Durant ay nag-average ng 33 points, seven rebounds, 5.5 assists, at 1.8 blocks per game matapos talunin ang Orlando Magic, Washington Wizards, at Toronto Raptors. Isa lamang si Durant sa 27 players sa Nets history na nabigyan ng nasabing award at isa…

Read More

SIXERS SADSAD SA ROCKETS

PINAGTULUNGAN nina Jalen Green (27 points) at Kevin Porter, Jr. (24 points), ang double-overtime win ng host Houston Rockets kontra Philadelphia 76ers, Lunes ng gabi (Martes sa Manila) kasabay ng pagbabalik-aksyon ni James Harden. Tumapos si Harden na may 21 points, pero buhat ito sa 4-for-19 sa field sa kanyang first game mula noong Nobyembre 2. ­Sumalang ang player ng 39 minuto. May 14 games hindi nakalaro si Harden sanhi ng tendon strain sa kanang paa. Sablay siya sa eight attempts sa loob ng 3-point arc, pero gaya ng lagi…

Read More