Pagiging isang lider sa makabagong panahon

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO TULOY-TULOY na nagbabago – ganito inilalarawan ang napakaraming bagay kabilang ang iba’t ibang aspeto ng propesyunal na larangan. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga lider sa tagumpay, hindi lamang ng kumpanya kundi pati na rin ng mga empleyado sa likod nito. Ayon sa Harvard Business Review, pag-uutos at pagkontrol ang dating mekanismong ginagamit ng mga manager para patakbuhin nang maayos at matagumpay ang mga proyekto. Pero kagaya ng napakaraming bagay, nagbago na rin ito. Dahil sa naturang mabilis na pagbabago, hindi na masasabing alam…

Read More

MAS MABABANG SINGIL SA KURYENTE

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAGSIMULA na ang Simbang Gabi, senyales na ilang araw na lang ay Pasko na. Abalang-abala na ang lahat sa kaliwa’t kanang selebrasyon, na kahit ang matinding daloy ng trapiko ay hindi nagiging balakid para tuluy-tuloy ang mga pagdiriwang. Magandang balita rin ang inanunsyo ng Meralco nitong nakaraang linggo at umaasa ang power distributor na ito’y magbibigay ng ngiti para sa mga customer nito. Pababa ngayong buwan ang singil sa kuryente at medyo malaki ang bawas dahil nasa 80 centavos kada kilowatt-hour ito na ang katumbas…

Read More

PATAS AT MAKATWIRANG SINGIL SA KURYENTE

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO SA kabila ng kaliwa’t kanang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at singil sa pangunahing mga serbisyo, hindi maiwasang mainis ang mga konsyumer na kagaya natin. Imbes kasi na nakakapagtabi ng pera para sa kakailanganin sa hinaharap, napupunta ang ating buwanang budget sa mga bayarin. Kaya nga kahit papaano, magandang balita ang kakaanunsyo lamang na pagbagal ng inflation — o ‘yung rate ng pagtaas ng mga presyo ng produkto at serbisyo sa bansa. Mula sa 4.9 na porsyento noong Oktubre, nasa 4.1 porsyento na ito…

Read More

PAG-ASANG DALA NG PAGBABALIK NG LIWANAG PARK

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAGSIMULA na naman ang buwan ng Disyembre at abalang abala na ang lahat sa paghahanda para sa isa na namang pagdiriwang na talaga namang inaabangan nating lahat. Bagama’t nakababahala ang mataas na inflation, nananatiling isa sa best performing economies ang Pilipinas sa Asia Pacific Region, ayon sa National Economic Development Authority (NEDA) at naniniwala ang ahensya na makatutulong ang panahon ng Kapaskuhan sa pagsigla ng ekonomiya. Maraming Pilipino ang inaasahang magbabakasyon at bibili ng mga regalo, pagkain, at iba pang kagamitan. Talaga namang naglalaan ng…

Read More

MAGING MAINGAT AT MAPANURI PARA MAIWASAN ANG MGA SCAM

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO TALAGANG mas pinadali ng digitalisasyon ang marami sa ating mga araw-araw na gawain kagaya ng pagbili ng mga kailangan natin at maging ang pagbabayad ng ating mga bill online. Pero dala na rin ng madalas nating paggamit ng online channels, hindi na rin natin masyado naiisip na mag-ingat sa mga transaksyong ginagawa natin. Napakahalagang paalalahanan ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay na maging mapanuri at palaging i-check ang mga transaksyon para makaiwas sa panloloko. Isa itong napapanahong paalala lalo ngayong Kapaskuhan dahil…

Read More

PAG-USAD SA PAGGAMIT NG NUCLEAR ENERGY SA BANSA

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO ANG dating usapan pa lang, unti-unti nang umuusad dahil sa walang tigil na pakikipag-ugnayan ng ating bansa sa ibang partidong may parehong interes na isulong ang mas maliwanag na kinabukasan para sa mga Pilipino. Laman ng balita nitong mga nagdaang araw ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa 30th Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa Estados Unidos. Sa kaganapang ito, nilagdaan ng mga kinatawan ng Pilipinas at Amerika ang Agreement for Cooperation Concerning Peaceful Uses of Nuclear Energy o ang tinatawag na 123 Agreement…

Read More

Kahalagahan ng suporta sa sektor ng edukasyon

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO PARA sa maraming Pilipinong pamilya, sinisikap ng mga magulang na mapagtapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak. Patunay ito sa pagpapahalaga sa maayos at mataas na kalidad ng edukasyon, kahit ano pa man ang estado sa buhay. Malaki kasi ang tulong na mayroong diploma o natapos na degree para makakuha ng maayos na trabaho sa Pilipinas. Sa ngayon, nagiging usapin na rin ang mga pagbabagong makatutulong para mas mapaganda ang programang K-12 sa Pilipinas. Sinimulang ipatupad ito noong 2012, kung saan nadagdagan ng dalawang taon…

Read More

PAGIGING MABUTI AT MAUNAWAIN SA KAPWA

THINKING ALOUD ni CALIRE FELICIANO KILALA ang mga Pilipino bilang magiliw, masayahin, at mga taong kayang humanap ng positibo sa gitna ng mga pagsubok sa buhay. Kahit may unos o may problema, nagagawa pa rin nating ngumiti at makisama nang maayos sa ating kapwa. Sa social media, talamak din ang mga larawan at mga istorya kung saan ipinamamalas ng mga Pilipino ang tinatawag na optimism at katatagan o resilience. Kung minsan nga, nasasabihan na rin tayo na mayroon tayong toxic positivity – o ‘yun bang mga positibong emosyon lamang ang…

Read More

PAGKAKATAONG PUMILI NG NARARAPAT NA LIDER

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO PAGKATAPOS ng ilang beses na pagpapaliban, sa wakas tuloy na ngayong araw ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections! Hindi malinaw sa marami kung ano ba ang tunay na naging dahilan sa sunud-sunod na pagkaantala nito noong mga nakaraang taon. Ilan sa mga mambabatas ang nagsasabi na dapat gamitin na lang sa ibang bagay ang budget para dito at ang ilan naman, para raw mas mapakinabangan pa ang ipinatutupad na mga programang pang-komunidad ng nakaupong mga lider. Pero mismong ang Commission on Elections (Comelec) na…

Read More