PAGPAPAIGTING NG CYBERSECURITY SA BANSA

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAKABABAHALA ang sunud-sunod na cyberattacks nitong mga nagdaang linggo lalo na’t mga ahensya ng gobyerno, kagaya ng PhilHealth, House of Representatives at Philippine Statistics Authority, ang karamihan sa mga nabiktima. Matagal na rin namang mayroong kampanya para maiwasan ang mga cyberattacks na konektado rin sa mga paglaganap ng mga scam. Hindi naman maaaring basta na lang natin itong tigilan dahil karamihan sa ating ginagawa sa araw-araw ay konektado na rin sa Internet. Bahagi rin kasi ito ng digitalisasyon at pag-unlad. Pero kaakibat nga nito, importanteng…

Read More

PAGSUBOK SA PUV MODERNIZATION PROGRAM

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAPAKARAMING pagsubok na kinahaharap ang sektor ng transportasyon sa Pilipinas, at hindi nakatutulong na tila ba wala ring malinaw na solusyon na makakaresolba sa hinaing ng iba’t ibang mga stakeholder – partikular na ang mga operator at driver ng public utility vehicles (PUVs) at siyempre, tayong mga commuter. Nakalulungkot na ngang isipin ang kasalukuyang estado ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas kumpara sa mga karatig-bansa, at mas nakapanlulumo pa na para bang wala namang katapusan ang mga problemang pinagdadaanan nito. Nakakasa pa ngang ilunsad ngayong araw…

Read More

PUSO AT GINTO PARA SA PILIPINAS

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAGSUSUMIGAW ang pagdiriwang at papuri sa loob at labas ng social media nitong nakaraang Biyernes nang tanghaling kampeon sa basketbol ang Gilas Pilipinas sa 19th Asian Games. Nilampaso ng Pilipinas ang Jordan sa iskor na 70-60 sa finals match na ginanap sa Hangzhou, China. Maituturing din itong napakagandang tagumpay dahil naungusan ng Jordan sa iskor na 87-62 ang Pilipinas sa nauna nilang laban. Pero hindi maipagkakaila at talagang nakabibilib ang ipinamalas na galing at determinasyon ng Gilas sa mga sumunod na makapigil-hiningang laban kontra Iran…

Read More

MERALCO, LENOVO MULING NAGSANIB-PWERSA SA PAGTULONG SA MGA LIBLIB NA PAARALAN SA BANSA

PAGPAPABUTI NG ANTAS NG EDUKASYON SA MGA LIBLIB NA PAARALAN SA BANSA. Muling nagtulungan ang One Meralco Foundation (OMF) at ang Lenovo Philippines, Inc. (Lenovo Philippines) sa ilalim ng school electrification program ng OMF. Nasa larawan ang mga pumirma sa Deed of Donation na sina (nakaupo L-R) Meralco FVP at Head of Information, Communication, Technology and Transformation Rocky D. Bacani; Meralco Chief CSR Officer at OMF President Jeffrey O. Tarayao; Lenovo Philippines President at General Manager Michael Ngan; at Meralco EVP at Chief Operating Officer Ronnie L. Aperocho; Dumalo rin…

Read More

KAHALAGAHAN NG EPEKTIBO AT MAKABULUHANG KOMUNIKASYON

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO IDARAOS ngayong Oktubre sa unang pagkakataon ang Communications Month alinsunod sa deklarasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa pamamagitan ng Proclamation No. 308 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin. Batid ng ating pamahalaan ang mahalagang tungkulin ng komunikasyon sa nation-building. Kailangan ng publiko ang totoo, tama at napapanahong impormasyon para epektibong mailatag at maipatupad ang mga polisiya, programa at proyekto ng gobyerno na makatutulong sa mga Pilipino. Layunin ng naturang proklamasyon na mas mapayabong pa ang industriya ng media na katuwang, hindi lamang ng…

Read More

KALIGTASAN NG PUBLIKO, RESPONSIBILIDAD NG LAHAT

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAGDALA ng pangamba nitong nagdaang mga araw ang smog dahil sa hindi magandang air quality sa Metro Manila. Dahil dito, nagdeklara ang ilang lokal na pamahalaan ng suspension ng klase. Inakalang dala ito ng volcanic smog o vog na mula sa Bulkang Taal na nakakaapekto naman sa ilang bahagi ng Cavite. Agad namang nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources at Department of Science and Technology na hindi magkaugnay ang dalawa, at ang sitwasyon sa Kamaynilaan ay maaaring bunsod ng polusyon. Nagdudulot ang mga…

Read More

KONKRETONG HAKBANG PARA ISULONG ANG NUCLEAR ENERGY SA BANSA

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO MATAGAL nang problema ang mataas na presyo at kakulangan ng suplay ng kuryente sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa katunayan, maraming residente sa mga probinsya ang umaaray sa laki ng bayarin at madalas na insidente ng mga brownout. Kaya nga may mga nagsusulong na magkaroon pa tayo ng mas maraming suplay mula sa iba’t ibang mga energy source kagaya ng renewables. Pero ang isa sa talagang napakamatunog ngayon ay ang usapin sa nuclear energy. May binubuo nang nuclear energy programme ang pamahalaan na naglalayong…

Read More

PAGKILALA SA HUWARANG PUBLIC SERVANTS

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO LAMAN ng balita at social media nitong nakaraang linggo ang kaliwa’t kanang insidenteng kinasasangkutan ng mga personalidad na dapat sana ay kaisa ng pamahalaan sa pagsusulong ng pampublikong kaligtasan. Sangkot sa mga road rage at isyu ng pagpositibo sa paggamit ng illegal na droga ang ilang miyembro ng kapulisan at isang dating sundalo. Hindi maiiwasang mapailing dahil talaga namang nakadidismaya ang mga pangyayari lalo na para sa ating mga ordinaryong mamamayan na wala namang kapangyarihan. Paano na tayo kung ang mga tao na mismong dapat…

Read More

PUSONG PILIPINO DAMA SA FIBA WORLD CUP 2023 OPENING

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO DAMANG-DAMA ang nag-uumapaw na suporta ng mga Pilipino sa isinagawang pagbubukas ng FIBA Basketball World Cup 2023 nitong nakaraang Agosto 25 kung saan matagumpay na nakamit ng bansa ang inaasam-asam na record-breaking na bilang ng mga dumalo sa kasaysayan ng FIBA. Ilang linggo bago ang pagbubukas ng internasyonal na paligsahan, nagsaad na ng kumpiyansa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa kahandaan ng bansa sa napakahalagang kaganapan sa Philippine Arena sa Bulacan. Umabot sa 38,115 ang nanood sa laban ng Gilas Pilipinas kontra Dominican Republic…

Read More