CAVITE PROVINCIAL JAIL GINALUGAD

CAVITE – Nagsagawa ng sorpresang inspeksyon ang Provincial Jail Management sa mga nakakulong sa Cavite Provincial Jail sa Trece Martires City sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles ng umaga.

Dakong alas-5:45 umaga nang sorpresang pinasok ng Provincial Jail Management at Trece Martires City Police, sa pamumuno ni P/Maj. John Asnan, OIC, ang Cavite Provincial Jail sa Brgy. Lapidario, Trece Martires City at sorpresang ininspeksyon ang pasilidad at ang lahat ng inmates nito.

May 10 dormitories ang kanilang ginalugad na may kabuuang 480 inmates, kabilang ang 384 kalalakihan at 96 kababaihan.

Dakong alas-7:30 ng umaga nang natapos ang sorpresang inspeksiyon at wala namang ano mang untoward incident at wala ring nakitang ilegal na kontrabando.

Sinabi ni Col. Gil Torralba (ret), Provincial Warden, ginagawa ang sorpresang inspeksiyon bilang preemptive measures para maiwasan ang inmates na mag-ingat at magtago ng mga kontrabando sa loob ng piitan. (SIGFRED ADSUARA)

267

Related posts

Leave a Comment