CAYETANO MULING NAGDIWANG NG KAARAWAN KASAMA MGA PDL

Kasabay ng National Correctional Consciousness Week 2025, personal na dumalaw si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Huwebes sa mga persons deprived of liberty (PDL) sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) — bahagi ng taunang tradisyong sinimulan niya noong 2011 tuwing kanyang kaarawan.

Bumisita ang senador sa Taguig City Jail, kung saan namahagi ang kanyang tanggapan ng 3,700 set ng health kits at 5,562 meals para sa mga PDL at jail personnel.

Kasama ni Cayetano sa aktibidad sina Taguig City Mayor Lani Cayetano, Vice Mayor Arvin Ian Alit, 1st District Rep. Ricardo “Ading” Cruz, at 2nd District Rep. Jorge Bocobo.

“Bawat taon, pinipili naming ipagdiwang ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigay-pag-asa sa iba — lalo na sa mga nakakulong na gustong magbago,” pahayag ni Cayetano sa mga PDL.
Ang aktibidad ay bahagi ng advocacy ni Cayetano para sa dignidad at rehabilitasyon ng mga PDL bilang mahalagang hakbang sa muling pagbangon at pagbabalik sa lipunan.

(DANNY BACOLOD)

32

Related posts

Leave a Comment