CAYETANO TAKOT MAWALAN NG KAPANGYARIHAN – PM KUDETA SA LOWER HOUSE FAKE NEWS NI: NELSON S. BADILLA

TINIYAK ng isang kongresista na hindi totoo ang pinaputok na balita ni House Speaker Alan Peter Cayetano na patatalsikin siya ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Sa interbyu sa isang radio program, sinabi ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list Rep. Jericho Nograles na “As far as I know there is no coup d’etat that’s happening.”

Sa gitna ng akusasyong sadyang pagbalewala ng Kamara de Representantes na simulan nang talakayin ang labing-isang panukalang batas hinggil sa panibagong 25-taong prangkisa ng ABS-CBN Corporation, biglang isiniwalat ni Cayetano nitong Huwebes na kumikilos na si Velasco upang patalsikin siya sa puwesto.

Ani Cayetano (kinatawan ng unang distrito ng Taguig at bayan ng Pateros sa mababang kapulungan ng Kongreso),

20 kongresista ang nagparating sa kanya ng impormasyon.

Tahasang itinanggi ni Velasco ang ibinunyag ni Cayetano.
Idiniin naman ni Nograles na walang saysay ang sinasabi ni Cayetano na pag-agaw ng speakership sa kanya ni Velasco, sapagkat walong buwan na lang ay tapos na ang labinlimang buwang termino ni Cayetano.

Sa Oktubre ay papalit na si Velasco kay Cayetano, alinsunod sa “term-sharing” na kinilala ng dalawa sa harapan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 2019.

Nilinaw pa ni Nograles na hindi magtatagumpay ang pagpapatalsik kay Cayetano bago sumapit ang Oktubre nang walang basbas ni Duterte.

Tiniyak din Rep. Alfredo Benitez mula sa Visayan Bloc ng Kamara na “fake news” ang isiniwalat ni Cayetano.“Who are those 20 solons (quoted by Cayetano)? Definitely, none of them are from the Visayan bloc,” ani Benitez.

Ayon sa tagapagsalita ng Partido ng Manggagawa (PM) na si Wilson Fortaleza, “natatakot” si Cayetano na mawalan ng kapangyarihan.

149

Related posts

Leave a Comment