CAYETANO TIYAK NANG HOUSE SPEAKER

cayetano12

(NI ABBY MENDOZA)

WALA nang inaasahang  pasabog sa pagbubukas ng sesyon ng Kamara.

Ito ang tiniyak ni  Albay Rep Joey Salceda kung saan inamin nito na plantsado na ang lahat matapos ang kanilang pagpupulong. Batay umano sa napagkasunduan ay si Cayetano ang iboboto ng mambabatas alinsunud sa  pag-eendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Salceda na sina Leyte Rep. Martin Romualdez, Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at Davao Rep. Paolo Duterte ang magno-nominate kay Cayetano bilang Speaker.

Inamin ni Salceda na nakarating sa kanila ang mensahe ng Pangulong Duterte na hindi ito dadalo sa kanyang State of the Nation Address(SONA) kung magulo ang mga kongresista.

Siniguro ni Salceda na hindi na maulit ang tensyon noong nakaraang SONA na nagkaroon ng kudeta sa liderato ni Rep. Pantaleon Alvarez.

Samantala, hindi na natuloy ang pa-almusal ni Presidential son  at ang lahat ng mga kongresista ay nagtungo na sa Nograles Hall kung saan dinaraos ang ipinatawag na breakfast meeting ni Cayetano.

Una nang umugong ang kudeta sa pagbubukas ng 18th Congress dahil na rin sa hiwalay na breakfast na ipinatawag ng batang Duterte subalit kanina ay hindi na ito tinuloy.

Kinumpirma rin ni Davao Rep Isidro Ungab na para kay Cayetano na ang suporta ng mga mambabatas.

Nagbigay ng paalala si Ungab sa mga mambabatas na “alam nyo na kung sino ang iboboto nyo”.

Inamin din nito na nagpahayag na ng suporta si Davao Mayor Sara Duterte para sa 15-21 term sharing para kina Cayetano at Velasco kaya asahan na ang smooth sailing na 18th Congress dahil tapos na ang isyu ng House Speakership.

Maging si Rep. Duterte ay nagpahayag na suporta nya ang term sharing.

 

127

Related posts

Leave a Comment