CBCP: ALALAHANIN ANG DIWA NG EDSA

NANAWAGAN ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mananampalataya na “alalahanin, magsisi, at tumugon” bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution.

Ayon kay Gilbert Garcera, ang mapayapang rebolusyon na nagpatalsik sa diktadura ay nananatiling isang espiritwal at moral na hamon sa sambayanan.

Hinikayat ng CBCP ang publiko na buhayin ang diwa ng EDSA sa pamamagitan ng patuloy na pagsasalaysay ng kasaysayan nito at pagpapaalab ng tapang at pananagutan para sa kabutihang panlahat.

Binigyang-diin din ng mga obispo ang pangangailangan ng pagsisisi sa mga personal at kolektibong pagkukulang, at ang pagtugon sa mga hamon ng lipunan nang may katapatan, pagmamahal at integridad.

Tinawag ng CBCP ang bansa sa isang “rebolusyon ng puso” na magsisimula sa tahanan, parokya at komunidad.

Kasabay ng paggunita, naghanda ang mga parokya at diyosesis ng mga misa at panalangin bilang bahagi ng selebrasyon.

(JOCELYN DOMENDEN)

8

Related posts

Leave a Comment