IPINAGKALOOB na sa BOC Customer Care Center-Port of Manila (CCC-POM) ang ISO 9001:2015 Quality Management System (QMS) Certification ng TUV SUD Philippines noong nakaraang Disyembre 4, 2020.
Ang CCC-POM, na pinamumunuan ni District Collector Michael Angelo DC Vargas, ay sumailalim at nakapasa sa kanilang first stage audit noong nakaraang Oktubre 22 at inirekomenda para sa ISO Certification matapos ang kanilang final audit noong Nobyembre 6, 2020.
Ang ISO 9001:2015 QMS Certification ay ang international standard na tumutukoy sa sa kalidad ng sistem ng pamamahala.
Ginagamit ng mga samahan ang standard para magpakita ng abilidad para tuloy-tuloy ang pagbibigay ng produkto at serbisyo para magtapo ang kustomer at regulatory requirements.
Ito ay bahagi ng Bureau’s 10-Point Priority Program ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero para mapanatili ang pagsisikap na maibigay ang kalidad ng serbisyo sa stakeholders sa pamamagitan ng mga nakahanay na BOC offices na may standards na itinakda ng ISO 9001:2015 Quality Management System.
Ang BOC Port of Manila ay patuloy sa kanilang pagbibigay ng mahusay na Customs services sa kanilang stakeholders para makuha ang tiwala at kumpiyansa.
Sinabi naman ni District Collector Michael Vargas na nagpapasalamat siya para sa kanilang nagawa sa ngalan ng lahat POM employees bilang sa nasabing proyekto na inisyatiba ni Commissioner Guerrero.
(Joel O. Amongo)
