BUMULAGTANG walang buhay ang riding in tandem makaraang takasan ang police checkpoint at nakipagpalitan ng putok sa mga pulis sa Caloocan City nitong Huwebes ng madaling araw.
Ayon sa impormasyon, may checkpoint ang HPG sa nasabing lugar bilang bahagi ng anti-carnapping at anti-criminality operations, kasama ang mga operatiba ng Caloocan Police Sub-Station 9.
Pinara ng mga parak ang hindi kilalang mga suspek ngunit dinedma umano ng mga ito at pinasibad ang kanilang motorsiklo.
Tinugis ng mga pulis ang mga suspek hanggang sa magpalitan ng putok na ikinamatay ng mga ito. (ALAIN AJERO)
