CHERIE HINANGAAN SA PAGPAPALAKI NG 3 ANAK

NAG-POST ang tatlong anak ng namayapang aktres na si Cherie Gil sa kani-kanilang Instagram account.

Bawat isa kasama nila sa larawan ang kanilang ina.

Ang panganay ni Cherie na si Jay Eigenmann ay feel na feel sa larawan na kanyang ibinahagi ang sobrang pagmamahal sa mahusay na aktres.

Walang caption ang kanilang picture, pero ang mahigpit na yakap nilang mag-ina ay mararamdaman ang sobrang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Si Jay ay anak ni Cherie sa komedyanteng aktor na si Leo Martinez.

Knows sa showbiz circle ang relasyon ni Cherie kay Leo pero hindi ito importante sa industriya dahil mas nakatutok sila sa husay ni Cherie sa pag-arte lalo na’t kaliwa’t kanan noon ang project ng aktres dahil sa husay nitong umarte lalo na sa pagiging kontrabida.

Hindi itinago ng aktres sa publiko ang panganay na anak, mas ninais lang niyang maging pribado ang buhay nito.

Besides hindi pa masyadong mga Marites at Mosang ang mga reporter sa showbiz.

Sa black and white photo naman ng anak niyang babae na si Bianca Rogoff na kasama ang ina, ang nilagay na caption ni Bianca ay “more later. I love you mom with heart emoji.”

Picture naman ni Raph Rogoff when he was a kid ang ibinahagi niya kasama ang ina. May isa pang solo pix ni Cherie na may background na blue sky.

At ang isang larawan ay mahigpit na pagkaka-abresyete ni Raph sa ina.

Nakakabagbag-damdamin kumbaga.

Si Bianca at Raph ay half siblings ni Jay.

Dahil ngayon lang din nalaman ng ibang netizens na may anak si Cherie kay Leo, kaya hindi nila maiwasang magreak.

“I never knew that the father of Cherie’s eldest child is Leo Martinez.”

“i am today years old when I knew about this too, from your comment actually then i did a little research to find out for myself. who could have thought eh?”

“Kahapon ko lang din nalaman. Tapos nag-stalk ako photos. May modern family pics sila ni Cherie, Cherie’s eldest child, Leo, Gina V, Angeli and the Valenciano fam. Modern blended family sila.”

“same here chinika lang sa akin ng almost senior na colleague ko.”

“Ang sakit grabe 🙁

Kamukha n’ya uncle Mark Gil n’ya sa last pic”

Hinangaan naman ng isang netizen ang pagpapalaki ni Cherie sa tatlo niyang anak.

“I love how Cherie’s three children are decent and humble. Never nakitang epal and KSP on social media. They really followed their mom’s wish to keep her condition private.”

“NYU grads din pala ang 2nd and 3rd. Not sure sa eldest son on what school siya.”

(Sa Full Sail University graduate si Jay with a Bachelor’s Degree in Arts and Recording with honors.)

“Private at classy kasi yung nanay nila and it reflects on them.”

“Kagulat yung family tree ng mga Eigenmann, naging si Cherie pala at Leo Martinez. 😱 And I thought magpinsan sina Gabby, Sid, Max and Andi- magkakapatid pala. No wonder ang gagaling umarte, they had no choice but to be good at it, ang tindi ng acting genes sa lineage nila.”

“I admire Cherie more, because of how she brought up her children. They seemed so refined and humble. It’s very seldom among actors having their kids finish their studies. I salute you Cherie.

You’re a great actress and all the more, a real great mom. May you rest in peace.”

205

Related posts

Leave a Comment