CHINA BANTA SA MUNDO

INAKUSAHAN ng mga eksperto sa seguridad sa mundo ang Chinese Communist Party (CCP) ng pagpapahina sa pandaigdigang kaayusan sa pamamagitan ng ekonomikong panlilinlang, panghihimasok sa pulitika at pagpapalawak ng kanilang militar.

Dahil dito, itinuturing ng mga delegado sa 27th Parliamentary Intelligence-Security Forum (PI-SF) forum na isinagawa sa Batasan Pambansa, na malaking banta sa kapayapaan sa buong mundo ang nasabing bansa.

“We have many challenges in the world today, spawned in large part by the nemesis in this region—China,deklara ni dating U.S. Congressman Robert Pittenger kung saan idinagdag nito na “For each of those threats and challenges we have, much of their commitment, their support, their investment comes from China. We all understand that.”

Binigyang-diin ni Pittenger na ang ugnayang ekonomiko at militar ng China sa Iran, North Korea, at Russia ay na nagpapalakas umano ng mga sigalot sa mundo at nagbibigay-lakas sa mga lider ng mga nabanggit na bansa.

Gumagamit din aniya ang China ng cyber warfare, ekonomikong pangingikil, at mga ilegal na financial network upang magkaroon ng pulitikal na kontrol sa mahihinang bansa at walang paggalang sa international laws.

Sinabi naman ni U.S. Senator Bill Cassidy, isa sa mga bansang target ng China sa kanilang expansionist tactics ang Pilipinas kaya kahit ilegal sa international law ay pinapasok ng mga ito ang West Philippine Sea (WPS) at pinalakas ng mga ito ang kanilang militarisasyon sa mga artificial island at ginigipit ang mga mangingisdang Pilipino.

Gayunpaman, sinabi ni Cassidy na “There would never be a war with China that the Philippines would be unable to win”.

Tinukoy din ni Cassidy ang malawakang paggamit ng debt-trap diplomacy ng China, na minanipula ang mga pamahalaan sa Africa, Latin America at Southeast Asia sa pamamagitan ng mga malalaking pautang para sa proyektong pang imprastraktura. (BERNARD TAGUINOD)

2

Related posts

Leave a Comment