‘CHINA PANALO NA SA RECTO BANK SAGA’

recto bank12

(NI BERNARD TAGUINOD)

PANALO na ang China sa usapin ng pagbangga ng kanilang barko sa fishing boat ng mga Filipino sa Recto Bank.

Ito ang pananaw ni House committee on national defense Sr. vice chair Ruffy Biazon dahil imbes na ang China ang managot sa responsibilidad sa mga Filipino na binangga ng kanilang fishing vessel at iniwan sa gitna ng laot, ay ang gobyerno ng Pilipinas ang umaako.

“If the ending to this saga is for the fishermen to simply get some hand outs from the Philippine government, then it would be China’s victory. Without even going to war. Just like what Sun Tzu said,” ani Biazon.

Ang gobyerno ng Pilipinas, sa pangunguna ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manuel Pinol, ay abala sa pagtulong sa 22 Filipino na mangingisda sa Occidental Mindoro sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang kabuhayan tulad ng bangka.

Nangangamba naman si Kabataan party-list Rep. Sarah Elago na mas malala pa ang mangyayari sa mga Filipino na mangingisdsa sa West Philippine Sea dahil hindi kayang ipagtanggol ng kanilang gobyerno ang mga ito.

“Ngayon binabangga at iniiwan, baka sa kasunod niyan mas matindi na ang gagawin sa kanila (mangingisdang Pinoy) ng mga Chinese na nag-eencroach sa ating teritoryo,” ani Elago.

Sinabi naman ni Occidental Rep. Josephine Ramirez-Sato na dapat tiyakin ng gobyerno na huwag nang maulit ang karanasan ng kanyang mga kababayan sa Recto Bank.

Ayon  sa mambabatas, dapat bantayan ang mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippines kasama na ang Recto Bank at ireserba ito sa mga Filipino na mangingisda.

“We will never allow this to happen again. Kaya ngayon dahil Exclusive Economic Zone po natin iyan, dapat iyan ay reserved para sa ating mga mangingisda at sa ating mga kababayan dito sa bansang Pilipinas,” ani Sato.

242

Related posts

Leave a Comment