CHINA TUTULONG SA BOC VS SMUGGLING NG CIGARETTE-MAKING MACHINES

CIGARETTE-MAKING MACHINES

Nangako ang bansang China na tutulong sila sa Bureau of Customs (BOC) para matigil na  ang pagpasok sa bansa ng hindi awtorisadong cigarette-making machines .

Sa ulat ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, kay Finance Secretary Carlos Dominguez III  sinabi nitong  kanyang  ipinaabot sa Chinese vice minister ng General Administration of Customs of China (GACC) sa ginanap na 28th ASEAN Customs Directors-General Meeting sa Laos kamakailan ang  pagkabahala ng Pilipinas kaugnay sa export ng unauthorized cigarette-making machines.

“I asked them if they could stop such exportations on their part because this is creating problems as far we’re concerned,” ayon kay Guerrero sa kanyang report kay Dominguez  sa DOF Executive Committee (Execom) meeting.

Sinabi pa ni Guerrero, na naging positibo naman ang tugon ng Chinese customs officials na kung saan pumayag itong imbestigahan ang naturang usapin.

Una nang nagbigay ng direktiba si  Dominguez sa BOC at Bureau of Internal Revenue (BIR) na maki­pagtulungan sila sa kanilang counterparts sa China upang matigil na ang pagpasok ng cigarette-making machines na umanoy ginagamit ng negosyante sa paggawa ng mga pekeng sigarilyo sa Pilipinas.

Nag-isyu ng kautusan si Dominguez matapos niyang makumpirma kay BIR Commissioner Ceasar Dulay na ang illegal tobacco trade ay nagbago na ng istilo  mula sa dating sigarilyo na kanilang ipinapasok sa bansa , ngayon mga cigarette-making machine na ang kanilang ipinapasok na binibili nila sa China at dito sa Pilipinas sila gumagawa ng mga pekeng sigarlyo.

Base sa nakaraang pagsalakay ng BIR sa mga gumagawa ng pekeng siga­rilyo at mga kilalang brand ng sigarilyo ay nakakum­piska sila ng mas maliit na makina at magaan para sa pagagawa ng sigarilyo.

Napag-alaman na ang single cigarette- making machine ay kayang gumawa ng 20,000 sticks per minute ng sigarilyo na may katumbas naP9.6 million sticks sa loob ng walong oras o 480,000 packs kada araw.

Dahil dito, sinabi ni Dominguez na kinakailangan maging mapagbantay ang gobyerno laban sa illicit at sale of tobacco products para matigil ang smuggling nito sa bansa at matigil ang pagnanakaw ng mga ito sa buwis. (Jo Calim)

116

Related posts

Leave a Comment