CHINISMIS NA PUSHER, NAMARIL

SUGATAN ang isang lalaki matapos barilin ng lalaking kanya umanong ipinamamalita na drug pusher sa San Pedro City, Laguna, Linggo ng hapon.

Kinilala  ng biktima na si Rey Dejito.

Ayon sa report ng San Pedro police, dakong alas-5:45 ng hapon nang barilin si Dejito ng suspek na si Jayson Morada sa Barangay San Antonio.

Ayon sa live-in partner ng suspek, nagalit umano ang kanyang kinakasama matapos malaman na ipinamamalita ng biktima na tulak siya ng ilegal na droga.

Isinugod ang biktima sa Amante Medical Hospital samantalang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril. (NILOU DEL CARMEN)

423

Related posts

Leave a Comment