CHOP-CHOP BODY ITINAPON SA ZIGZAG SA RIZAL

RIZAL – Isang pinagputol-putol na katawan ng tao na itinapon sa kanal sa zigzag road sa bayan ng Rodriguez sa lalawigang ito, ang natagpuan ng mga residente noong Huwebes ng umaga.

Base sa report ng Rodriguez Police, bandang alas-6:30 ng umaga nang madiskubre ang chop-chop na bangkay na nakalagay sa apat na itim na garbage bag.

Itinapon ito sa may bahagi ng zigzag road sa Don Mariano Marcos Ave., Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Hindi naman tinukoy ng mga awtoridad kung lalaki o babae ang bangkay habang isinasagawa pa ang imbestigasyon.

Sinusuri pa ng SOCO ang lugar at isinailalim sa awtopsya sa crime lab ang bangkay habang inaalam ang pagkakakilanlan nito. (NILOU DEL CARMEN)

215

Related posts

Leave a Comment