CIDG NAGPAKALAT NG TRACKER TEAMS LABAN KINA ROQUE, ONG AT 49 IBA PA

INIHAYAG ni CIDG chief Director Police Major Gen Nicolas Torre III, na nagpakalat na sila ng tracker teams ng CIDG sa buong bansa para sa agarang pagkaaresto kay dating Malakanyang spokesperson Atty. Harry Roque, Cassandra Ong at 49 na iba pa.

Sinabi ni Torre, na nakakalat na sa buong bansa ang kanilang mga tauhan at magtatrabaho ng 24-oras para sa agarang pagkaaresto ng mga akusado. Ito ay bilang pagtalima sa kautusan ni PNP chief General Rommel Francisco Marbil na paigtingin ang Oplan Pagtugis operation sa wanted persons.

Matatandaan na nagsampa ng kaso ang CIDG Anti-Organized Crime Unit na may kaugnayan sa operasyon ng POGO hubs na Lucky South 99 Outsourcing Inc. na matatagpuan sa Grand Palazzo Royals, Fil-Am Friendship Hi-way, Brgy. Cutcut, Porac, Angeles City, Pampanga nitong Hunyo 7, 2024.

Sinabi naman ni PNP PIO chief Police Col Randolph Tuaño na kanilang pinag-aaralan ang pakikipag-ugnayan sa INTERPOL kaugnay sa paghahain ng warrant of arrest kay Roque na ngayon ay nasa The Netherlands.

(TOTO NABAJA)

71

Related posts

Leave a Comment