Huli sa Bureau of Customs NAIA, BOC Quick Response Team (QRT ESS), Philippine Drug Enforcement Agency Region III at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang panibagong claimant ng illegal drugs sa isang controlled delivery operation sa Sta. Maria, Bulacan noong Marso 5, 2021.
Dakong alas-5:00 ng hapon ang consignee, na nagngangalang “Jayson Quiloy”, 38-anyos, ang nag- claimed ng package na naglalaman ng 2,003 gramo ng metamphetamine o “shabu” na nasa loob ng 2 hotpot grills.
Ang nasabing package ng shabu ay tinatayang may street value na Php13,620,400.
Naunang idineklara ang package bilang “Kitchen Appliances – steamboat grill” na dumating noong Pebrero 16 sa Port of NAIA at ibinayahe ng “Glus Sdn Bhd. (MBE Sri Gombak)” mula Malaysia.
Nadiskubre ang illegal drugs sa isinagawang x-ray inspection kung saan tumambad ang kahihinalang imahe sa bagahe.
At sa 100% physical examination ng subject package sa pamamagitan ng NAIA Customs, natuklasan itong naglalaman ng white crystalline substance sa loob ng isang hotpot grill.
Kasunod nito, ang PDEA Chemical Laboratory Analysis ay kinumpirma na ang nasabing white crystalline substance ay shabu.
Ang claimant-suspek pati na ang huling kontrabando ay nasa kustodiya na ng PDEA at agad na isasailalim sa Custodial investigation dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (Republic Act 9165) na may kaunayan sa Section 118 (Prohibited Importation), Section 1113 (Goods Liable for Seizure and Forfeiture) and Section 1401 (Unlawful Importation) of the Republic Act 10863, o mas kilalala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Dahil sa pagkakaroon ng aktibong partnership, koordinasyon at kolaborasyon ng BOC-NAIA, NAIA-IADIGT at PDEA, nagagawang maipagtagumpay ang mandato ng mga nabanggit na ahensiya mula sa mahigpit na border control at paglansag sa importasyon ng ilegal na droga sa bansa.
