INARESTO ng pinagsanib na mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Inter-Agency Drug Task Force at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang claimant ng high grade marijuana o kush, habang tinatanggap ang ilegal na droga sa isinagawang controlled delivery operation ng mga awtoridad.
Kinilala ang suspek na si Juanito Jose Remulla III, 38, residente ng BF Homes, Parañaque City.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng NAIA-PDEA IADITG, ang marijuana ay ipinadala ng isang nagngangalang Benjamin Huffman na may address na #1524 Hornblend St., San Diego, California, USA.
Nakumpiska sa suspek ang 937 gramo ng high grade marijuana o kush na tinatayang nagkakahalaga ng P1,311,800.
Ang suspek ay sumailalim ng inquest proceedings sa Las Piñas City Prosecutor’s Office, at nakatakdang dalhin sa kulungan ng PDEA sa Quezon City. (FROILAN MORALLOS)
226 