Clearing ops sa vendors pinatitigil KABUHAYAN, TIRAHAN SA MANILENYO TIYAKIN

HINAMON ng Samahan ng mga Manininda ng Trabajo Market at Samahan ng mga Residente ng Sampaloc si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ipatigil ang clearing operations at demolisyon sa gitna ng COVID-19 pandemic, na naging dahilan ng pagkawala ng kanilang kabuhayan at kabahayan.

Ayon sa dalawang grupo, dahil sa PNR expansion, nawalan ng tirahan ang daan-daang pamilya sa Algeciras Street sa Sampaloc, Maynila.

Habang tinatayang 100 sidewalk at cart vendors ang pwersahang pinaalis sa isinagawang clearing operations sa Trabajo Market.

Kaugnay nito, ang samahan ng mga manininda ay hiniling kay Mayor Domagoso na magkaroon ng diyalogo kasama ang mga residente na apektado ng demolisyon.

Ngunit hindi umano ito pinagbigyan ng alkalde dahil sa hectic schedule nito.

Bunsod nito, nanawagan ang dalawang grupo sa gobyerno na pagkalooban sila ng relokasyon at livelihood security. (JOEL O. AMONGO)

291

Related posts

Leave a Comment