CLIPPERS SUNOG SA SUNS, 0-2

ANGAT na ang Phoenix Suns, 2-0. Paano nangyari?

Idinakdak ni Deandre Ayton ang bola mula sa alley-oop pass ni Jae Crowder, 0.7 seconds sa orasan. Swak ang bola at naitakas ng Suns ang 104-103 win kontra Los Angeles Clippers sa Game 2 ng Western Conference finals sa Phoenix, Miyerkoles (Manila time).

Lamang ng isa ang Clippers, 0.9 seconds na lang nang ibinato ni Crowder ang bola mula sa baseline at biglang lumipad si Ayton at isinalpak ang bola sa kabila ng mahigpit na depensa ni Ivica Zubac ng Clippers, sa harap ng hindi makapaniwalang crowd sa Phoenix Suns Arena.

Halos isang minutong ni-review ng mga reperi ang play at pagkatapos ay sinabing “good and counted” ang basket.
Hindi na nakaiskor pa ang Clippers sa sumunod na ­posesyon.

Lilipad ang Suns sa Los Angeles para sa Game 3 sa Biyernes (Manila time) bitbit ang 2-0 series lead.

Ito ang ikatlong pagkakataon na lalaro ang Clippers na may 0-2 deficit, kasunod ng playoffs kontra Dallas Mavericks at Utah Jazz.

Nabalewala sa Crowder-to-Ayton connection ang rally ng Clippers na pinangunahan ni Paul George na may 26 points.

Isang layup ni George sa ­huling 31 segundo ang nagbigay sa Clippers ng 101-100 lead. Bumawi si Devin Booker ng jumper sa huling 27 seconds, ngunit ­muling naka-shoot si George para sa 103-102 Clippers lead.

Pero sumablay si George sa kanyang dalawang free throws sa nalalabing 8.2 seconds at dito na nagkatsansa ang Suns na manalo, na kamuntik pang masilat nang magmintis si Mikal Bridges sa kanyang 3-point attempt.

Ang Suns ay may siyam na sunod nang panalo sa playoffs, na isang franchise record.

Nanguna sa iskoring ng Suns si Cameron Payne, may career-high 29 points. Siya ang pansamantalang humalili kay Chris Paul. Habang si Ayton ay may 22 points at 14 rebounds, at 20 points naman si Booker.

Ito rin ang ikaapat na sunod na larong wala si Clippers star Kawhi Leonard sanhi ng right knee sprain. Nanatili siya sa Los Angeles para sa treatment ng nasabing injury.

Habang si Paul ay hindi pa batid ng Suns kung kailan makababalik sa team bunga ng league’s COVID-19 health and safety protocol. (VT ROMANO)
98

Related posts

Leave a Comment