PORMAL nang inilabas ng Commission on Elections ang calendar of activities para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2026.
Kabilang sa mahahalagang petsa ang nationwide voter registration mula Oktubre 20, 2025 hanggang Mayo 18, 2026, maliban sa BARMM na magsisimula sa Mayo 1 hanggang 18, 2026.
Isasagawa ang filing ng Certificates of Candidacy mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 5, 2026, habang ang campaign period ay mula Oktubre 22 hanggang 31, 2026. Ang election day ay nakatakda sa Nobyembre 2, 2026.
Ang election period naman ay mula Oktubre 3 hanggang Nobyembre 9, 2026, at ang huling araw ng paghahain ng Statement of Contributions and Expenditures ay Disyembre 2, 2026.
(JOCELYN DOMENDEN)
14
