COMELEC NAGPAALALA SA VOTERS REGISTRATION

comelec vote12

(NI HARVEY PEREZ)

PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko kaugnay sa hinggil sa  pagtatapos ng idinaraos nilang voter registration sa bansa  sa Lunes, Setyembre 30.

Hinimok ng Comelec ang mga kuwalipikadong botante na samantalahin ang nalalabing dalawang araw nang pagpaparehistro para  makapagpatala at makaboto sa mga susunod na eleksyon sa bansa.

Sinabi ni  Comelec Spokesperson James Jimenez,  na inaasahan nilang daragsa ang mga magpaparehistro ngayong Sabado, Setyembre 28, at sa Lunes, Setyembre 30, na siyang deadline ng voter registration.

Ayon kay Jimenez, sa ilalim ng Section 6 ng Comelec Resolution No. 10549, may mga procedure na dapat na ipatupad sa huling araw ng voter registration.

Nalaman na pagsapit ng alas  3:00 ng hapon, ang lahat ng aplikante na nakapila na para magparehistro ay kukunin ang pangalan at papayagan pa ring magpatala pero kinakailangang nasa tanggapan sila ng Comelec sa sandaling tinawag na ng election officer ang kanilang pangalan ng tatlong ulit, upang makuhanan ng biometrics at maiproseso ang kanyang aplikasyon.

Gayundin, maglalagay rin  ang poll body ng express lane para sa mga taong may kapansanan o persons with disabilities (PWD), senior citizens at yaong mga buntis o heavily pregnant applicants, upang hindi mahirapan ang mga ito sa pagpaparehistro.

Nabatid na umabot na sa 2,645,446 umabot ang bilang ng mga nagparehistro nang ipatupad ito noong Agosto 1 hanggang Setyembre 21.

Samantala, inabisuhan  ng Comelec ang mga aplikante na hahabol sa dalawang huling araw ng pagpapatala na maagang magtungo sa Office of the Election Officer (OEO) sa lungsod o munisipalidad, o satellite registration center.

294

Related posts

Leave a Comment