HINDI itinanggi ni Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez na nung unang ipatupad ang guidelines kontra COVID-19 ay marami sa mga kumpanya ang non-compliant sa mga ipinatutupad na labor Standards ng DOLE.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Benavidez na noong pasimulan nila ang pag-iinspeksyon ay medyo mababa na talaga ang bilang ng mga kumpanyang sumusunod sa kanilang inilabas na mga direktiba.
Ngunit, habang tumatagal aniya ang kanilang pag-iikot ay nakita nilang tumataas na ang compliance rate na sumipa sa 92%.
Sinabi pa ni Benavidez na lumalabas sa kanilang datos, na umakyat ang porsyento ng company compliance pagdating sa occupational safety and health standard.
Dahil dito, malinaw aniya na mas binibigyan na ngayon ng importansiya ng mga kumpanya ang kaligtasan ng kanilang mga manggagawa at maging ng kanilang pagawaan o work place.
(CHRISTIAN DALE)
191
