CONCEPCION: DI NA KAILANGANG ITAAS ANG ALERT LEVEL KUNG MABABA NAMAN ANG BILANG NG NAO-OSPITAL

Sa gitna ng posibleng pagbabalik sa Alert Level 2 status ng National Capital Region (NCR), sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion na maaaring di na kailangan pang itaas ang alert level kung mananatiling kaunti lang ang mga naoospital dahil sa Covid.

“If our Covid cases are not ending up in hospitals, then there is no need for higher alert levels,” sabi niya.

Ito ay kasunod ng mga ulat ng unti-unting pagtaas ng mga nahahawa sa Covid. Noong Hunyo 13, nakapagtala ang Pilipinas ng 386 na bagong kaso; halos kalahati, o 188, ay sa NCR. Gayunpaman, ang mga rate ng naa-ICU ay 20 porsiyento lamang, at ang mga bilang ng nao-ospital dahil sa Covid ay nasa 16.6 porsiyento lamang para sa buong Pilipinas.

“Don’t look at the percentages, look at the numbers,” sabi ng infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvaña sa kanyang Facebook post noong Hunyo 13 matapos ang mga ulat tungkol sa mabagal na pagtaas ng mga kaso.  Paliwanag ni Dr. Salvaña, ang 100 porsiyentong pagtaas mula sa baseline na 100 kaso ay 200 kaso lamang. Ipinaalala din niya na nagkaroon na ang Pilipinas ng higit sa 35,000 kaso sa isang araw.

Ayon kay Dr. Salvaña, malamang ay hindi na kailangang umabot sa Alert Level 2 hangga’t nananatiling maganda ang kapasidad ng mga ospital. Ayon din kay DOH Usec. Rosario Vergeire sa Laging Handa Public Briefing noong Hunyo 13, “Let us not look at the number of cases, we need to look at the hospital capacity because this is more important to our healthcare system.”

“Ang batayan dapat ay ang bilang ng nao-ospital dahil sa Covid,” sabi ni Concepcion. “Sinasabi mismo ng mga medical experts na pwede pa ring mahawaan ng Covid kahit na nabakunahan na at kahit nagka-Covid na. Ang pinipigilan ng bakuna ay ang malubhang sakit at pagkamatay sa Covid. Iyon ang dapat na sukatan sa pagpapasya kung tataasan ang o hindi ang alert level,” aniya.

Idiniin ni Concepcion na ang dapat pagtuunang pansin ngayon ay ang ekonomiya. “Nagbago na ang sitwasyon. Maaaring magkaroon na ng stagflation, “sabi niya.

Ang krisis sa Russia-Ukraine ay nagdulot ng pagtaas ng presyo ng gasolina, na nagdulot ng sunod-sunod na pagtaas sa mga presyo ng mga commodities at, dahil dito, ng mga pangunahing bilihin. Sa pinakahuling krisis na ito ay nagbabantang mapilayan ang mga negosyo, partikular na ang mga MSME, na ngayon ay nagsisimula pa lamang bumangon mula sa pandemya. Paliwanag ni Concepcion, ang giyera ng Russia at Ukraine ay makakaapekto sa lahat, kabilang na ang mga may-ari ng negosyo, mga tindera, at mga mamimili. “Lalala pa ito kung magtatagal ang giyera. Maaari tayong magkaroon ng kakulangan sa pagkain,” sabi niya. Ito ang dahilan, aniya, kaya hindi dapat itaas pa ang alert levels, kundi bagkus lalong palakasin ang paggawa, lalo na sa sector pang-agrikultura, para matulungan ang mga consumer.

“We need to change our mindset,” dagdag niya. “Hindi tayo maaaring mataranta o maparalisa muli kapag nakita nating dumadami ang nahahawa. Hindi ganito ang pamamaraan na matututo tayong mamuhay sa gitna ng Covid.”

186

Related posts

Leave a Comment