CONG. ARJO ATAYDE AT CONG. MARVIN RILLO, AKSYON AGAD PARA SA MAMAMAYAN NG QUEZON CITY!

NAKABIBILIB ang “Aksyon Agad” mantra ni Cong. Arjo Atayde ng 3rd District ng Quezon City.

Kahit saang sulok ng kanyang distrito, aba’y may proyekto si Atayde.

Kamakailan, siya ang nanguna sa job fair na ikinasa kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day noong Lunes, Hunyo 12.

“Ang inyo pong lingkod ay nakibahagi sa pagbubukas ng bagong oportunidad para sa ating mga ka-distrito at sa mamamayan ng lungsod ng Quezon. Ito po ay sa pamamagitan ng inilunsad na Kalayaan Job Fair 2023,” ani Atayde.

“Nagpapasalamat po tayo sa pamunuan ng SM North EDSA sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment-QC Field Office at Quezon City PESO Office.”

Naniniwala na si Atayde na ang “pagtutulungan ng pribadong sektor at pampublikong ahensya ng gobyerno ay isang epektibong solusyon upang matugunan ang usapin ng mamamayan sa pagtugon sa kawalan ng trabaho at kabuhayan.”

Nagkaroon naman ng free legal consultation para sa mga may nais idulog na problema at usaping legal.

Kasama nila sina Atty. Maria Abigail Parwani at Atty. Eng. Jayson Francisco nitong Miyerkoles, Hunyo 14.

“Sama-sama tayo para sa kaunlaran. Mabuhay ang ating Kalayaan!” dagdag pa ni Atayde.

Samantala, tulad ni Atayde, super sipag din nitong si Cong. Marvin Rillo ng 4th District ng QC na tinaguriang “Mr. Maintenance.”

Hindi siya magpapahuli pagdating sa public service.

“Malugod naming ibalita na matagumpay tayong nakakalap ng pondo upang makatulong sa ating mga kababayan sa Distrito 4 noong June 1 sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) payout,” masayang sabi ni Rillo.

“Higit na nakakataba sa puso na marami tayong natulungan at napasaya sa tulong ni Cong. Rillo at ng buong Team Panalo, taos-pusong nagpapasalamat kami sa inyo.”

Nagpasalamat din ang tanggapan ni Rillo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang tulong upang masiguro na makararating ito sa mga taong nangangailangan.

“Sa ating mga kababayan sa Distrito 4, sana’y patuloy nating iparamdam sa kanila ang ating suporta at pagmamahal. Muli, salamat sa inyong lahat at sana palagi nating mabigyan ng tulong ang ating mga kababayan sa panahon ng krisis.”

Ganyan ang serbisyong “Tatak Rillo” para sa #MakabagongDistrito4, mula sa #TeamPanalo.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

221

Related posts

Leave a Comment