CONGRESSMAN, KASABWAT NI MACHO CHIQUITO SA KATIWALIAN?

NITONG mga nakaraang araw ay ilang mga ordinaryong empleyado ng Bureau of Immigration (BI) ang nakipagtulungan at nagsumbong sa Bistador sa umano’y garapalang korapsyon na nangyayari sa loob ng tanggapan ni Macho Chiquito at ito ay patunay lamang na hindi lahat ng mga kawani ng BI ay masama.

Isiniwalat sa atin na kaya umano “untouchable” si Macho Chiquito kay “Sir” ay bukod sa ibinibigay nitong “tara” ay protektado ito sa kanyang raket ng isang aktibong ­congressman at kinakasangkapan ang isang mataas na opisyal na binigyan ng kapangyarihan ng Malacañang laban kuno sa katiwalian.

Sinabi pa ng ating source na takot kumilos itong si Sir na alisin sa puwesto si Macho Chiquito dahil sa pagbabanta ni congressman na guguluhin ang ahensya na paimbestigahan ang iba pang ­nangya-yaring katiwalian sa ahensya?

Aba Mr. Congressman!, ikaw ay ibinoto ng mga tao dahil sa akala nilang ikaw ay napakalinis at ginagawa mo pang dahilan ang pagtuturo ng salita ng Diyos, pero demonyo ka naman pala.

Minsan ko na rin itong na-interview noong dekada 90 noong ako’y radio reporter pa lamang at kung makikita mo nga ito ay akala mo’y santo ang hinayupak, hindi naman pala.

Alam kaya ni Sir itong mga pinaggagawa ni Macho ­Chiquito na kahit walang order mula sa kanya ay nagdedesisyon itong i-extend ang visa ng mga overstaying aliens, o baka naman may basbas mo Sir?

Pero, bakit kahit umano nagbabayad ang mga travel agents at liaison officers ng express fee ng ahensya ay iniipit pa rin ang mga passport ng kanilang mga kliyente sa vault?

Ang style pa umano ng kumag na ito ay uutusan ang kanyang mga tauhan na ipa-extend ang bultu-bultong passports ng overstaying na visa ng isang Chinese kahit hawak nito ang passports at ang resibo umano ay isend na lamang nito sa kanyang mga kliyente, sa pamamagitan ng WeChat, upang ipatubos na hindi nalalaman ng ­Immigration Regulations Division (IRD) at ng Management Information System Division (MISD) ang ganitong ilegal na gawain.

Abangan sa susunod at ­ating ibibisto ang iba pang kabulukan ni Macho Chiquito at ng kanyang mga kasabwat.

oOo

Para po sa inyong Sumbong at Reaksyon ay maaaring itext lamang ako sa 09158888410.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

256

Related posts

Leave a Comment