Balitang ‘di Kanais-nais
KAYA pala tahimik na tahimik itong ating Speaker of the House Kuya Bodjie Dy sa usaping ghost flood control projects ay nabanggit din ang kanilang pangalan ng DPWH officials at contractors, na nagkamal umano ng limpak-limpak na salapi, kabilang ang kanyang kadugo na si Isabela 6th District Congressman Inno Dy, kaya no investigation, mga ka-Balitang ‘di Kanais-nais.
Mas makabubuti sigurong simulan na ni House Speaker Bojie Dy ang imbestigasyon sa mga kongresista na pinangalanan na umano’y sangkot sa ghost flood control projects na bilyon-bilyong piso ang napunta lang sa bulsa.
Ipakita mo, Speaker Dy, na mali ang akusasyon sa ‘yo ni Congressman Toby Tiangco na sunod-sunuran ka sa nanaisin ng magtiyuhing sina dating Speaker Martin Romualdez at Majo Sandro Marcos, kaya tikom ang iyong bibig sa pag-utos sa malalimang imbestigasyon sa ghost flood control projects.
Muli, asan na ba ang ingay ng Independent Commission for Infrastructure (ICI)? Bagama’t may isinumite nang mga pangalan ang komisyon sa Ombudsman, tila may pinapaboran at piling-pili ang kasalukuyang pinaiimbestigahan. ‘Di ‘ba 104 na pangalan ang inilabas niyo, Alyansa ng Manggagawa sa Konstruksyon (AMK)?
Para sa kaalaman mo, Speaker Dy, may hawak ang (AMK) na listahan ng mga kongresista na pinangalanan ng DPWH officials at mga contractor, na nagtamasa ng daang milyong piso at ang iba ay bilyong piso pa, na walang naipakitang proyekto.
Umaabot sa 104 pangalan ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ang nasa listahan, at nakakalap ng liham ang Balitang ‘di Kanais-nais mula sa AMK, na naka-address kay ICI Chairperson Andres Reyes, nakasaad ang Formal Demand for Expansion of the Flood Control Anomaly Probe.
Speaker Dy Sir, karugtong ng 104 kongresista na pinangalanan na involved sa umano’y ghost flood control projects ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Pampanga 4th Dist. Rep. Anne Bondoc, Ako Bicol Party-List Rep. Raul Bongalon, AGAP Party-List Rep. Nicanor Briones, Apayao Lone Dist. Rep. Eleanor Bulut-Begtang, Davao Sur Lone Dist. Rep. John Cagas, Caloocan 2nd Dist. Rep. Mitch Cajayon-Uy, Manila 3rd Dist. Rep. Joel Chua, BHW Party-List Angelica Co, (Daughter of Controversial Congressman Zaldy Co), Batangas 3rd Dist. Rep. Maria Teresa Collantes, Bulacan 5th Dist. Ambrosio Cruz, Davao City 1st Dist. Rep. Paolo Duterte, Isabela 3rd Dist. Rep. Jaime Fresnedi, Biliran Lone Dist. Gerardo Espina, ABONO Party-List Rep. Robert Estrella, Zamboanga Sibugay 2nd Dist. Rep. Antonietta Eudela, Sta. Rosa Lone Dist. Rep. Dan Fernandez, Muntinlupa Lone Dist. Rep. Jaime Fensel, CamSur 4th Dist. Rep. Amie Funtavella, Bataan 2nd Dist. Rep. Albert Garcia, CWS Party-List Rep. Edwin Gardiola. Sa susunod na issue ng Balitang ‘di Kanais-nais ilalabas ang iba pang pangalan ng mga kongresman na sangkot sa ghost flood control anomaly.
Mas makabubuting ipaalam sa sambayanang Pinoy ang ibinisto ng DPWH officials dahil sa dami ng mga pangalan ng umano’y involved sa flood control projects anomaly, hanggang sa ngayon ay tahimik at malaya sila sa imbestigasyon, kung saan tanging si Speaker Bojie Dy lang ang may kakayahan na pasimulan ang pagdinig sa Kongreso. Ipakita mo, Sir Speaker Dy, na may sarili kang mandato sa pagpapalakad ng House of Representatives at hindi ‘yung pinararatangan ka ni Rep. Tiangco na isa kang sunod-sunuran?
May 35 pang pangalan ng mga congressman ang ipapaalam sa mamamayang Pilipino ng Balitang ‘di Kanais-nais sa susunod na issue. (CB)
61 