SEN. MARCOLETA, INABSWELTO NG BATAS!

RAPIDO ni PATRICK TULFO

AMINADO ang Commission on Election (COMELEC) na wala silang magagawa sa isyu ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ni Senator Rodante Marcoleta.

Sa panayam ng Rapido kay COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, sinabi niyang wala silang magagawa kundi sundin ang nakasaad sa batas na noong 1990s ay naamyendahan ang tungkol sa pagdedeklara ng mga contributor o mga nagbigay ng donasyon sa isang politiko at tuluyan itong binura sa Omnibus Election Code.

Ayon kay Atty. Laudiangco, hindi na umano criminal offense ang ginawa ng senador matapos itong tanggalin sa Saligang Batas noon pang 16th Congress.

Kaya umano malakas ang loob ng senador na ipagyabang na meron siyang mga donor na ayaw na lumantad dahil alam niyang makalulusot siya sa batas.

Nangangamba ang COMELEC na maaaring maabuso ang ganitong uri ng praktis ngayong lantad na hindi na criminal offense ang ‘di pagdedeklara ng mga nagbigay ng pera o suporta sa isang kandidato. Maaari nga itong gamitin ng mga kawatang politiko sa paglilihis ng kanilang pondo o money laundering, kung saan pwede nilang idaan ang pera sa pamamagitan ng pag-donate upang makapagtago ng pera at hindi magbayad ng buwis.

Umaasa naman ang COMELEC na ngayong inihain ni FPJ Panday Bayanihan Party-List Cong. Brian Poe Llamanzares ang panukala, ay maibabalik ang parusang kriminal sa mga hindi nagdedeklara ng tamang halaga ng donasyon at pangalan ng contributors sa kanilang kampanya.

Sa ngayon nga ay walang malinaw na batas na nagpapataw ng karampatang parusa o penalty sa mga hindi nagdedeklara ng tama sa kanilang SOCE, kahit malinaw na nagsinungaling ang mga ito.

Alam na alam na natin ngayon kung sino ang maaaring umabuso rito. Ito ay ang mga politikong corrupt.

Bato-bato sa langit, ang tamaan naka-wig!

72

Related posts

Leave a Comment