DALAWANG cellphone at P3,000 cash ang natangay ng riding in tandem makaraang holdapin ang isang branch ng isang kilalang convenience store sa Carmona City, Cavite noong Biyernes ng madaling araw.
Inilarawan ang mga suspek na magkaangkas sa isang violet na motorsiklong Yamaha Mio na walang plaka, isa sa mga suspek ay nakasuot ng itim na helmet, puting jacket, itim na pantalon at naka-tsinelas, habang ang isa ay nakasuot ng itim na jacket, puting short at naka-tsinelas.
Sa salaysay ng biktimang si Jehan, 21, cashier, bandang alas-4:30 kahapon ng madaling araw nang pumasok ang mga suspek at nagpanggap na mga customer.
Nang napansin na walang customer, bumunot ng baril ang mga suspek at tinutukan ang biktima at kinuha ang dalawang cellphone at P3,000 cash na kita ng tindahan.
Matapos nakuha ang pakay, tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklong Yamaha Mo na walang plaka. (Sigfred Adsuara)
