CONVOY NG MAYORALTY CANDIDATE SA ABRA, INULAN NG BALA

PATAY ang isang kasamahan ng mga kandidato at isa pa ang sugatan matapos ang naganap na pamamaril sa Sitio Agdamay ng Barangay Budac sa Tayum, Abra.

Ayon sa inisyal na ulat, nakatanggap ang Tayum Police Station ng impormasyon hinggil sa pamamaril, kung saan agad tumugon ang pulisya at naglatag ng checkpoint sa mga posibleng exit point mula sa pinangyarihan ng pamamaril.

Isang itim na pick-up truck ang pinara ng mga awtoridad na minamaneho ni alyas ‘Ben’ matapos makarinig ang mga pulis ng putok ng baril.

Nakuha mula sa direktang pag-iingat ni alyas ‘Ben’ ang isang .45 kalibreng pistola, tatlong magasin na naglalaman ng mga bala at isa pang .45 kalibreng pistola na may magazine na pagmamay-ari umano ng isang alyas ‘Joel.’

Sa nakalap na impormasyon, nagkaroon umano ng girian sa pagitan ng grupo ni sangguniang barangay member Walter Tugadi at ng grupo ni Kathlia Alcantara, na kumakandidato sa pagka-alkalde ng Tayum, kasama si punong barangay Ryan Luna habang sila’y nangangampanya sa nasabing lugar.

Sinasabing pinaputukan ang grupo nina Alcantara at Luna, kung saan ayon sa report ng Abra Police Provincial Office, matapos ang putukan, patay ang isang Jay-Ar Tanura, 27 anyos, habang ang sugatan ay kinilalang si Jordan Claustro Barcena

Ayon kay Abra provincial director Colonel Froilan Lopez, kasalukuyan ang pangangampanya ng team ng mayoralty aspirant na si Kathia Alcantara sa Barangay Budac noong mangyari ang panibagong insidente ng barilan.

Bagaman hindi pa natutukoy ang tunay na dahilan ng barilan, na-recover ng mga awtoridad ang dalawang baril sa pinangyarihan ng krimen habang isang suspek na ang naaresto sa isinagawang hot pursuit operation.

Ngayong taon ay ilang serye ng gun violence na ang naitala sa iba’t-ibang lugar sa naturang probinsya kung saan simula Enero hanggang sa pagpasok ng Abril ay hanggang 20 pamamaril na ang naitala rito.

Una na ring nagbabala si Commission on Elections (Comelec) chairman George Erwin Garcia ukol sa posibilidad na pagsasailalim sa Comelec control ang naturang probinsya dahil na rin sa walang tigil na karahasan.

(JESSE KABEL RUIZ)

2

Related posts

Leave a Comment