KINUMPIRMA ng Malakanyang na gagawaran ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sina Nora Aunor, Pilita Corrales, Margarita Fores, at Gloria Romero ng Presidential Medal of Merit sa Mayo 4, 2025.
“The event is confirmed,” ang pagtiyak ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Ang parangal ay para sa kanilang mga hindi matatawarang kontribusyon sa Philippine entertainment industry at gastronomy.
Si Nora Aunor, tinaguriang Superstar at isang National Artist; Gloria Romero, kilala bilang movie queen noong 1950s; Pilita Corrales, tinaguriang Asia’s Queen of Songs at Chef Margarita Fores, pioneer ng Filipino-Italian fusion fine dining sa Pilipinas.
Maglalabas naman ng karagdagang detalye ang Malakanyang hinggil sa event na ito.
Samantala, ayon sa PEP.ph, magaganap sa Rizal Ceremonial Hall ng Malacañang Palace sa Mayo 4, 2025, ang pagbibigay ng parangal kina Nora, na pumanaw nito lang Abril 16; Pilita, noong Abril 12; Margarita, Pebrero 11; Gloria, Enero 25, na pawang ngayong taon.
(CHRISTIAN DALE)
