COVID-19 CASES SA 3 REGIONS TUMATAAS

UMAKYAT ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa tatlong rehiyon sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga ito ay naitala sa Bicol Region, Zamboanga Peninsula at MIMAROPA.

Ipinabatid ni Vergeire na ang Bicol ay nakapagtala ng halos 44,000 COVID-19 cases, mahigit 43,000 naman ang Zamboanga Peninsula at halos 30,000 cases sa MIMAROPA.

Samantala, inihayag ni Vergeire na ang Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region at Cagayan Valley ay nananatiling nasa high risk classification dahil sa bilang ng COVID-19 cases. (RENE CRISOSTOMO)

120

Related posts

Leave a Comment