COVID-19 CASES SA PINAS, HIGIT 85K NA

SUMAMPA na sa mahigit 85,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, dalawang araw bago sumapit ang buwan ng Agosto.

Nabatid na nakapagtala ng mahigit 1,800 bagong bilang ng tinamaan ng naturang sakit sa bansa.

Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos ng Department of Health (DOH) alas-4:00 ng hapon nitong Miyerkoles, umabot na sa 85,486 ang
confirmed cases ng COVID-19 sa bansa.

Sa nasabing bilang, 56,528 ang aktibong kaso.

Nabatid na base sa mga ipinadalang datos ng 83 licensed laboratories, 1,874 ang bagong kaso.

16 naman ang iniulat na nasawi kaya mayroon nang 1,962 COVID-19 related deaths sa bansa.

Mayroon namang 26,996 total recoveries matapos madagdagan ng 388 ang mga gumaling sa bansa.

Inaasahan ang lalo pang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng sakit sa mga darating na araw.

Nauna nang inabiso ng DOH na nasa ‘danger zone’ ang mga health facility sa bansa sa dami ng mga nagkakasakit ng COVID-19.

Ito ay kahit pa tinaasan na ang dedicated beds para sa COVID-19 patients ng mga ospital sa buong bansa.

Noong Linggo, iniulat ng COH na 8,577 o 52.3% na ang okupado mula sa bagong total ng available COVID-19 beds.

“Nationally, malapit na ma-overwhelmed ang health system natin, mapapagod ang ating mga doktor, nurses at mga nag-aalaga sa atin sa ospital,” ani Vergeire.

Lumalabas na 107,508 ang bilang ng mga lisensyadong kama sa bansa. Galing sila sa 1,282 na mga ospital at 261 na infirmaries.

Ayon sa opisyal 49.6% na ang occupancy rate o bilang ng mga kama para sa mga COVID at non- COVID patients sa bansa ang okupado.

Kahapon, iniulat ng Health department na maging ang bed capacity sa mga temporary treatment and monitoring facilities sa bansa ay nasa warning zone na rin.

Ayon kay Usec. Vergeire, katumbas ito ng 30 hanggang 70-percent occupancy rate sa kama ng naturang mga pasilidad na hawak ng local government units. (D ANIN)

174

Related posts

Leave a Comment